Chapter 42 "A-Aakyat sa puno?! No baby! Baka mahulog pa ako diyan!" Pinigilan ni Athena ang pagngiti ng malapad dahil inaasahan na niyang magiging ganoon ang reaksyon ni Lance sa iuutos niya. Pilit niyang itinago ang kanyang nalalapit na paghagikgik sa isang matalim at seryosong tingin. "Akala ko ba gagawin mo ang lahat para magkabalikan tayo?" Tinaasan niya pa ito ng kilay upang mas kapanipaniwalang seryoso siya sa nais niyang ipagawa sa binata Inuutusan niya itong umakyat sa puno ng niyog. Kung dala-dala lamang niya sa isla ang cellphone niyang iniwan sa mansyon ay panigiradong pipicturan niya ang naging reaksyon ni Lance Halata kasing natakot ito at di makapaniwala sa inuutos niya "S-Sinabi ko nga yun baby. Pero buwis buhay naman ang pag-akyat sa puno na yan" Tumingala pa ito sa