Chapter 46 "Where's Athena?" "Chill bro? Wala pang limang minuto nawawala sa paningin mo si Athena naghahanap kana?" Cody chuckeled at him "Sinamahan lang siya nila Diana sa room para magpalit ng swimwear." Inakbayan siya ni Cody at Raven habang naroon sila sa yatch party na inihanda ng mga ito para sakanya. As usual, it's a pool party inside Cody's yatch. Ganoon naman silang magkakaibigan. Pinapagamit ang kanilang mga pribadong yate para sa kanilang mga kaibigan. Katulad noong gabing maaksidente siya ay sine-celebrate rin nila ang birthday party ni Raven sa kanyang yate. "I missed her already" Nakangising katwiran niya sa kanyang mga kaibigan Totoo naman. Nasasanay na siyang palaging kasama si Athena kaya't malingat lang ito sakanya ng limang minuto ay hinahanap hanap na niya an