''You won't believe what I heard!'' Iyon ang bumungad kay Niu nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at walang pakundangan na pumasok sa loob ang kaibigan na si Cashiel. May nakaukit na nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Niu heaved out a sigh. Nandito na naman ang kaibigan niya, siguradong wala siyang trabaho na magagawa dahil aa daldal nito. ''What are you doing here, Cash?'' Walang gana na tanong ni Niu. Hinubad niya ang eyeglasses at ipinikit ang mga mata. He's been working nonstop for hours, and it feels like his eyeballs are going to pop out from its socket. He massage the bridge of his nose. ''Your reputation is dead, man.'' Naupo si Cash sa sofa. Napakunot ang noo ni Niu. ''What do you mean by that?'' Tumayo si Niu at nagpunta sa mini bar na nasa l