Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Kate habang tinititigan ang ultrasound images ng kanyang munting anghel. “Ang saya mo, ha. It makes me want to take pictures of you. Ngayon lang ulit kita nakitang ganyan kasaya.” Puna ni Samuel kay Kate habang minamaneho nito ang kotse. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Kate at bumaling kay Samuel. “Ang saya ko, ito ang unang beses na nakita ko ang picture niya, iba pala talaga ang pakiramdam kapag nakikita mo ang sariling anak.” Sinamahan ni Samuel si Kate kanina para sa check up nito sa OB-Gyne. Simula kanina ay hindi talaga mawala saya mukha ni Kate. Okay na siya sa ganito. Kahit na wala si Niu ay walang problema sa kanya. She’s already used to being alone, it’s not new to her to survive on her own. Sanay na siya na hinaharap ang lahat ng mga