Confusion

2530 Words

“Talaga? Paano kaya iyon napadpad dito sa states? At sa mismong party mo pa? Nako, baka naging stalker mo na iyong si Altamirano, baka hindi maka-get over sa ganda mo.” Puno ang bibig ni Daphne pero nagsasalita pa rin ito. Ilang araw na simula noong nangyari iyon pero away siyang lubayan ng mga alaala nito. Sa kanilang dalawa ni Sam ay ito ang mas interesadong malaman ang tungkol sa pagdalo ni Niu sa party. Ang dami nitong mga tanong at marami din itong mga teorya kung bakit nandoon si Niu, na siyang nagpapakaba lalo kay Kate. Pero hindi sinabi ni Kate iyong bahagi na nagkita talaga sila at naghalikan! No! Pagtatawanan lang siya ng mga ito, lalong-lalo na si Daphne. Hindi naman siya tumugon kaya hindi iyon naghalikan, mas tamang sabihin hinalikan siya nito ng walang permiso! Tama!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD