''Hindi mo na sana pinatulan si Selene, Kate. Tingnan mo iyang nangyari sa'yo,'' may halong paninirmon ang tono ni Claire habang inaayos nito ang dalang mga prutas at bulaklak. Kate endured minor injuries from Selene. Naalala ni Kate kung paano siya nito sinampal noong nag-away sila sa resort. Nagkakagulo ang mga tao doon, pero wala man lang ni isa ang tumulong, mas lumakas pa nga ang sigawan ng mga ito na tila nasa isang underground fight sila. Sumimangot si Kate nang maalala niya kung paano siya nito sinaktan. ''Hindi p'wede na hahayaan ko na lang siya na tawagin akong kabit! Wala naman kaming relasyon ni Niu, kahit tanungin mo pa ang gagong iyon. Si Leann ang kabit no'n! At saka, totoo naman ang sinabi ko na kabit lang siya noon, pinakasalan lang kasi nabuntis,'' katwiran ni Kat