1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi July 3, 2021 Episode 44 MARIE POV "Salamat naman at pinaunlakan mo yung invitation ko," ang wika ni Sergio noong mag meet kami sa isang kainan sa sikat na sky restaurant. "Medyo afraid ako matataas na lugar pero dahil gusto kitang makita ay kinaya ko talaga. Saka mas gwapo ka sa personal kaysa sa hologram," ang wika ko habang nakangiti. Natawa siya, "mas maganda ka naman sa hologram kaysa sa personal," ang hirit niya dahilan para mapabusangot ako. "Kainis ka naman e," ang kunwaring pagmamaktol ko. "Biro lang iyon, ang dali mo pa lang inisin," ang tugon niya sabay order ng aming kakainin. "Yung inis ko ay may kasamang kilig, salamat sa pag invite sa akin," ang sagot ko ulit. "Ang taas ng rating ng segment ko, at alam mo ba yung kaibigan kong talent ma