1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 30, 2021 Episode 42 "Tingnan mo Marie, ang ganda ganda mo sa TV para kang isang artista," ang masayang wika ni Jassie noong mapanood namin ang segment ni Sergio sa news tv. "Nakita mo naman, babaeng babae ang itsura ko diyan, sino naman mag-aakala na isa akong lalaki noon," ang wika ko. "Eh lalaki ka pa rin naman ngayon no, kasi di ka pa nagpapaalis ng patotoy. Pero anyway mag ipon ka pa dahil isang turok lang naman iyan," ang tugon niya habang nakangisi. "Nagsalita ang babae, eh kung magpaliit ka kaya ng braso Jassie para hindi ka maging mukhang kargador. Oopss, si Jasper nga pala yung kargador at si Jassie ka na ngayon," ang pang aasar ko naman. Tawanan kami. Nasa ganoong posisyon kami noong mag beep ang aking bracelet communicator, nakalimutang