1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 21, 2021 Episode 33 ANNABEL POV "Aaarghhhhhhh!! Arrrghhhhhh!" ang sigaw ko noong makapasok sa loob ng aming tarangkahan. Matinding galit ang aking naramdaman noong matalo ako sa contest. Kaya naman nag iiyak ako at hindi ko napigilan ang magwala. Naglabasan ang mga kasambahay pati na rin sina Mom and Dad. "Annabel, my darling. Ano bang problema? Why are you crying sweetie?" tanong ni mom. "Natalo ako sa contest! At hindi papayag na matalo! Mga bobo at mga tanga yung judges! Sobrang shushunga nila!" ang sigaw ko pa. "Sweetie, nabalitaan namin na first runner up ka, and that's good. Proud kami sa ending ng journey mo sa Dancing Queen," ang wika ni mom. "No! Hindi ako satisfied at lalong hindi ako deserving maging first runner up lang!" ang sagot ko