1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 11, 2021 Episode 28 "Hayop ka Marie! Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ni Senyorita Annabel noong makita niya akong naglilinis sa kanilang mansion. Halos apat na araw na ang nakalilipas magbuhat noong depensahan ko ang aking sarili laban sa kanya. Nasuntok ko tuloy siya at hanggang ngayon ay may black eye pa rin ito. Kaya ganoon na lang ang galit niya sa akin. "Eh senyorita sinundo po ako ni Senyor Armardo. Bumalik daw ako dito sa mansyon," ang sagot ko naman. "At kaya bumalik ka pa? Napaka kapal talaga ang mukha mo Marie! Kasing kapal ng libag mo sa kili kili! At hindi ka pwedeng wallpaper sa cellphone dahil ang panget panget mo!" ang singhal ni Senyorita sa noong aktong sasampalin ako nito ay dumating si Senyor Armado. "Sige Annabel ituloy mo an