1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi May 24, 2021 Episode 15 ANNABEL POV Agad kong nakita ang imahe ni Mario na masaya at tumatawa sa aking harapan, galak na galak at buhay na buhay. “Anong ibig sabihin nito?” ang sigaw ko na hindi makapaniwala sa aking nakikita. Habang nasa ganoong pagtataka ako ay narinig ko ang boses ng matanda sa loob ng salamin, hindi ko maipaliwanag ngunit para akong kinukulam o sinasaniban ng kung ano, kung sa bagay ang matandang ito ay nagmula pa sa liblib na kabundukan na sumasamba sa mga anito kung anu ano pa. Isa siyang Babaylan o mangkukulam o kung ano pa man. “Tama ka senyorita Annabel dahil ang taong iyong hinahanap ay buhay na buhay,” ang wika nito na parang isang bombang sumabog sa aking harapan. “Hindi maaari ito!! Hindi siya maaaring mabuhay!!” ang sigaw n