1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi July 11, 2021 Episode 56 ANNABEL POV "Walanghiyang Eiram na iyan! Trending na naman ang gaga!" ang singhal ko noong makita ko ito sa social media. "Oh ano naman kung maging trending si Eiram, super hero naman siya at nakakatulong siya sa siyudad," ang wika ni Bastos. "Wala naman akong paki sa opinyon mo. Ang iniisip ko ngayon ay kung paano mapapalapit ng husto kay Marie," ang tugon ko. "Hanggang ngayon ba ay itutuloy mo pa rin ang balak mo Annabel?" "Oo Bastos! At wala kang ideya sa mga bagay na kaya kong gawin!" ang wika ko sabay balikwas ng bangon sa aking higaan. "Sige, kung anong gusto mong gawin, nga pala yung fortune teller na inupahan mo ay nasa communicator na," ang wika niya. Kahit may kapangyarihan na ako ay wala akong kakayahang ipredict