Inilahad ni Jacob ang kamay sa kan’ya nang ilang baitang na lang ang natira sa kanyang pagbaba. Tinanggap niya ang kamay nito, kasabay ng pagdaop ng kanilang mga palad ay ang pagdaloy ng tila libo-libong boltahe ng kuryente mula roon. Agad siyang napabitaw dahilan upang mangunot ang noo nito at nagtatakang tiningnan siya. “Love? May problema ba?” Nababalisang sumagot siya, “W-wala.” “You’re acting weird, Love. Now hold me again.” Ngumiti ito at muling inilahad ang kamay sa kan’ya. Nag-aalangan siya noong una sa takot na baka may kuryente na naman siyang maramdaman mula sa kamay nito subalit matiyaga itong naghintay kaya unti-unti na lang niyang inabot ang kamay rito. Namula ang mukha niya nang narinig niya ang pagsipol ng dalawa na nakaupo sa ‘di kalayuan. Tumawa nang mahina si Jacob.