Hindi niya magawang ialis ang mga mata rito. Nagtataka rin siya sa sarili kung saan siya humugot ng lakas upang makipagtitigan sa lalaki. Nanatili silang ganoon sa loob ng ilang segundo hanggang sa ito na ang unang bumawi. Naglakad ito paalis hanggang sa ang likod na lang nito ang nakita niya at ilang sandali pa ay tuluyan na talaga itong naglaho sa kanyang paningin. Saka lang siya napaisip kung bakit kay tulis ng tingin nito sa kan’ya kanina. Ang tanging nakukuha niya kasi rito lately ay ang malamig na pakikitungo nito sa kan'ya. Ngayon lang din sila muling nagkatitigan ni Jacob, ang ganoong klase mismo ng tingin na ipinukol nito sa kan’ya. Galit ba ito? Pero sa ano na naman kayang kadahilanan? Dahil ba sa presensya niya sa party nito? “Mae?” untag sa kan'ya ni Jordan. Tila nagisi