bc

The Never Maid

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
family
HE
arrogant
sporty
boss
heir/heiress
blue collar
sweet
bxg
addiction
athlete
actor
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Ang babaeng kilala ng bilang manhid at walang puso. Siya si Isolde Tatlong Hari, tahimik, seryoso, at walang pakialam sa mundo.

May misyon siya na kailangang gawin, iyon ay ang patulin ang sungay ng tatlong pinaka-pasaway na tagapagmana ng mga Lorenzo, si Hunter na ubod ng yabang, si Pierce na laging galit sa mundo, at si Zander na akala mo siya lang ang tama.

Pero paano kung sa halip na mabago niya ang mga ito ay sila pa ang makapagpabago sa kaniya? Mahuhulog ba siya sa patibong ng mga ito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nakapako ang mga mata ko kay Mama na may wirdong tingin.Panay ang iyak niya habang iniimpake ang mga damit ko at inilalagay sa hindi kalakihang maleta. "Ang damuho mong ama! Hindi mangyayari ang mga bagay na ito kung hindi dahil sa kaniya. Inubos niyang lahat ng ari-arian natin at itinalo sa sugal, walang itinira sa atin kung hindi mga utang at kahihiyan!" himutok ni Mama, masamang-masama ang loob niya kay Papa. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganon. Bumaliktad ang buhay namin dahil sa pagkakalulong ng aking ama sa sugal. "Wala nang magagawa ang mga iyak mo, Mama, nangyari na ang nangyari at hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat," walang emosyon na sabi ko. Tumayo ako at naglakad palapit sa aking kama. Kinuha ko ang paborito kong stuff toy na si Elvira, bukod sa itim na itim niyang kulay at nanlilisik na mapupulang mga mata, ay matatalas din ang kaniyang mga ngipin. Siya ang bukod tanging bagay na gustong-gusto kong laging nakikita at kasama. Hindi ko kakayanin na matulog kahit isang gabi lang na hindi siya katabi, kaya naman inilagay ko siya sa maleta kasama ng aking mga gamit. Umurong ang luha ni Mama nang makita si Elvira. Nangunot ang noo niya na tiningala pa ako. "Hanggang doon ba naman ay isasama mo ang nakakatakot na bagay na 'yan?" may halong pagkadismaya na tanong niya sa akin. Natigil na rin sa wakas sa pag-eemote ang aking ina. Ilang buwan na rin siyang nagda-drama dahil sa ginawa ni Papa, naririndi na ako sa mga iyak at daing niya. Bumuntong hininga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Dalawa lang ang pagpipilian mo, Mama— aalis ako sa bahay na ito na kasama si Elvira o mananatili ako sa pamamahay na ito na kasama ka," seryosong sabi ko, habang nakatitig ng walang kurap sa mga mata niya. Nataranta si Mama at umiba ng tingin, mabilis na iniwas ang mga mata sa akin. "Ah-eh... si-sige, isama mo na si Elvira. Isama mo na kahit sino pa o ano pa ang gusto mong isama. Ikaw namang bata ka hindi ka na mabiro, nagjo-joke lang naman ako." Alanganin ang ngiti niya habang hindi makatingin ng diretso sa akin. Tumaas naman ang kaliwa kong kilay sa huli niyang sinabi. Huminga ako nang malalim bago ibinalik ang atensiyon sa aking maleta. "Tama na 'yan! Huwag mo nang paka-damihan ang paglalagay ng mga gamit ko, Mama, hindi rin naman ako magtatagal doon." Pinigilan kong ipasok pa niya sa maleta ang iba pang walang kakwenta-kwentang makukulay na mga damit. "Ayoko niyan!" "Alisin mo 'yan!" "Huwag mo nang isama 'to!" Tinanggal ko sa maleta ang iba pang mga damit na pinaglalagay ni Mama. Masakit sa mata ang mga kulay nito. "A-anak, bakit naman? Ang gaganda nga ng mga damit na 'to, binili ko ang mga 'yan para sa'yo. Nanggaling pa ang mga 'yan sa America nang magbakasyon kami roon ng iyong ama." "Tsh! Bakit pa? Pampabigat lang 'yan sa mga dalahin ko. Hinding-hindi ko susuutin ang mga makukulay na basahan na 'yan. Isapa, hindi ako aalis para magbakasyon. Baka nakakalimutan mo, ipapadala mo ako sa ibang lugar para maging alipin," nakasimangot na sabi ko. Hindi ko naman talaga gustong umalis wala lang akong pagpipilian. Buhat sa pagkakasalampak sa sahig ay tumayo si Mama, hinarap ako at hinawakan sa magkabilang balikat. Nakita ko ang labis na pagkataranta sa mga kilos niya. "Isolde, anak... hindi ba napag-usapan na natin 'to?" "Dalawang taon lang naman. Dalawang taon ang napagkasunduan ng iyong Papa at ni Senyor Bernardo. Pagkatapos ng dalawang taon ay babawiin ka rin namin sa kanila." Pinanlakihan ko ng mga mata si Mama. Napaatras naman siya sa takot. "Dapat lang!" Padaskol na inagaw ko ang maleta kay Mama. Hinila ko iyon palabas ng aking silid. Sumunod naman siya sa akin. Sa paglalakad ko ay hindi ko maiwasan ang mapailing. Lahat ng kasangkapan namin sa bahay ay may mga nakadikit na dilaw na sticker, bawat isa ay may presyong nakalagay. Bukas ay kukunin na ang lahat ng iyon para ipa-auction. Parang kailan lang ay masagana pa ang buhay namin. Hindi mo nga naman masasabi ang panahon. Nadoble ang pag-iling ko ng mapansin ang hair brush ng kapatid ko na nakapatong sa center table ng aming sala. Tsk. Pati ba naman iyon ay may sticker at isasama sa auction? Mukhang wala talagang ititira sa amin ang mga pinagkakautangan ni Papa. "Aalis na 'ko," paalam ko. Umiyak si Mama ngunit ako ay parang tuod lang na nakapangko sa pagkakatayo at walang emosyon na pinagmamasdan ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. "Patawarin mo ako, anak, hindi ko naman ginusto ito," sabi ni Mama sa pagitan ng paghikbi. "Wala akong karapatan na mamili ng mga magulang, kayo ni Papa ang ibinigay sa akin kaya wala akong magagawa." "Ingatan mo na lang ang sarili mo, Mama. Siguraduhin mo lang na sa pagbalik ko ay nasa tama ka pang pag-iisip. " Napangiwi si Mama. "Anak naman, nakuha mo pang mag-joke sa gitna ng nakakalungkot na eksena na 'to," wika niya. Tiningnan ko ng seryoso si Mama. "Hindi ako nagjo-joke, Mama. Sa itsura mong 'yan, mukhang ilang linggo na lang ay bibigay ka na." Inirapan ako ni Mama. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Kilala niya ako, diretsahan ako kung magsalita. Walang preno ang bibig ko at sasabihin ko kahit anuman ang gusto kong sabihin. "Tanggapin mo ito bilang payo, Mama—hayaan mong si Papa ang gumawa ng solusyon sa lahat ng problema, tutal naman siya ang may kasalanan sa mga nangyayaring ito." "Gagawin ko ang parte ko bilang anak. Sana naman pagbalik ko ay maging maayos na ang lahat." "Salamat, anak!" Tangkang yayakapin ako ni Mama, ngunit mabilis akong umiwas. Ayoko ng drama, hindi teleserye ang buhay. Hindi ako ang klase ng tao na nagpapadala sa emosyon. Sampung taon na ang nakalilipas simula ng huli akong umiyak, at iyon ay ng mamatay ang paborito kong lola na si Lola Matilda. Siya ang nagpalaki sa akin kaya naman mas malapit ako sa kaniya. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. "Okay, sige. Naiintindihan ko, ayaw mo ng niyayakap kita. Basta, mag-iingat ka lang anak at alagaan mo ang sarili mo." Tumango lang ako at tinalikuran na si Mama, lumakad ako palapit sa gate. Nakaparada sa labas ang sasakyan ng mga Lorenzo na naghihintay sa akin. Hindi pa ako nakakalapit sa gate ng may biglang humarang sa dinaraanan ko. Huminto ako at tinaasan ng kilay ang kapatid kong si Ingrid. "Ano'ng kailangan mo?" walang ganang tanong ko. "Hmp! Kahit aso't-pusa tayo palagi. Kahit parang wala kang pakialam sa lahat ng bagay. Kahit ikaw ang kapatid kong tuod na pinaglihi sa anesthesia, manhid at walang pakiramdam... sa tingin ko ay mami-miss ko pa rin ang presence mo dito sa bahay," malungkot na litanya ng kapatid ko. "Tsk! Ano na namang drama 'yan, Ingrid?" inis na tanong ko. "Basta bumalik ka, Ate, ha!" "Oh, ito para sa'yo. Alam kong paborito mo ang magbasa ng mga horror story. Binili ko ang mga 'yan, galing sa baon ko. Kapag naiinip ka ay basahin mo." Inabot niya sa akin ang isang plastic bag na hindi ko alam kung ilang komiks ba ang laman, ang alam ko lang ay may kabigatan ito. Tiningnan ko lang ang hawak kong plastic ng walang emosyon. "Huwag kang magpasaway, magpakabait ka. Habang wala ako ay ikaw na muna ang bahala kay Mama at Papa." "Salamat, Ate." "Para saan?" "Dahil pumayag kang maging katulong ng mga Lorenzo." "Gagawin ko lang 'to para makabawas sa mga utang natin." "Pero paano ang pag-aaral mo?" "Kahit anong oras pwede akong bumalik sa pag-aaral." "Huh! Sige na... pumasok ka na sa loob!" pagtataboy ko sa kaniya. "Bawas-bawasan mo na ang panunuod ng mga drama. Sabihin mo rin 'yan kay Mama, dahil kinakain na kayo ng sistema," bilin ko. "Ate naman! Iyon na nga lang ang bonding namin ni Mama, binabawalan mo pa kami!" himutok niya. Hindi ko na siya pinansin at lumakad na ako palabas ng gate. Walang lingon na sumakay ako sa naghihintay na sasakyan. Ayoko nang tingnan pa ang pagmumukha ng aking ina at kapatid at siguradong madidismaya lang ako. Dinaig pa nila ang mga artista sa pagiging best actress. Hindi ko maintindihan kung bakit nila iniiyakan ang ganitong sitwasyon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
27.7K
bc

His Obsession

read
102.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
171.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.0K
bc

The naive Secretary

read
69.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
28.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook