FOUR MONTHS LATER Avriah's POV "K-kinakabahan ako, baby." "Don't worry, I won't leave your side." Napahinga ako ng malalim. Naririto kami ngayon ni baby sa Nicholas General Hospital upang bisitahin si Eric. Nasabi na sa akin ni baby ang tungkol dito kaya hindi na ako makapaghintay pang makita siya. Matapos ang apat na buwan na pananatili namin sa Hacienda ay ngayon lamang namin napagdesisyunang bumalik dito sa Manila upang asikasuhin ang mga dapat na asikasuhin ni baby kasabay na rin ang pagdalaw namin kay Eric dito sa Hospital bago ganapin ang araw ng aming kasal. Muli akong napahinga ng malalim bago binuksan ang pinto ng silid kung saan nananatili si Eric na hanggang sa ngayon ay nasa state pa rin ng coma. Matapos ko itong buksan ay napahinto rin ako kaagad nang matanaw ko sa