KARA Unti-unti na rin akong bumabalik sa dati kong sigla, matagal rin akong namalagi sa hospital at sobrang saya ko dahil hindi ako sinukuan ni Travis. "Hindi na talaga masama ang pakiramdam ko..." Natutuwang sabi ko sabay yakap sa tahimik na si Travis sa tabi ko. "Ang tahimik mo yata? Noong isang linggo ka pa ganyan ah.." Nagtatakang sabi ko sa kanya. Umiling naman si Travis sabay yakap din sa akin, "Masaya lang ako dahil sa wakas, galing na 'rin ang love of my life ko.." Napangiti ako nang halikan na naman ako ni Trav sa pisngi ko, "Bibili ako ng cake at saka ice cream bago tayo umuwi para ma-icelebrate naman natin ang paggaling mo..." "Wow! Panay ang bili mo ah? Dami mo sigurong pera ano?" Loko ko sa kanya, Umiling naman siya at hindi na sumagot pa sa sinabi ko. Palabas na kasi k