"Tahimik ka yata?" Tanong sa akin si Sir Travis. Nagmamaneho siya patungo sa malapit na simbahan, magsisimba kasi kami. "Hindi naman po." Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. "Kara, Ibibili kitang cellphone mamaya." Sabi pa niya. Halos mamilog ang mata ko sa sinabi niya, "Para, lagi kitang ite-text. Mahirap kasi kapag wala kang ganon, hindi ko alam kung ano bang mga ginagawa mo." Sabi pa niya. Napalunok pa ako ng ilang beses bago sumagot. "S-Sige po." Sa kalagitnaan ng biyahe ay binuksan niya ang stereo sa sasakyan. Itanong mo sa akin. Kung sino aking mahal? Itanong mo sa akin. Sagot ko'y di magtatagal. Ahhhh ahhhhh ahhhhh "Wow! Favourite song ko." Sabi ko. Gusto ko sanang sabayan ang kanta kaso nahihiya naman ako kay Sir. Habang nagmamaneho at pinapakinggan ang kata ay sinas