"Mama! Bakit ka pala nakangiti? Kanina ka pa kasi ganyan eh," Tanong sa akin ni Kristofer Kasalukuyan naming tinatahak ang daan patungo sa eskwelahan nina Kristofer at Kristian. Si naman Travis ang nagmamaneho ng sasakyan. "Oo nga, Kuya!" Sabi pa ni Kristian. Lilingon sana ako sa dalawa nang makarinig ako ng mahinang pagtawa sa tabi ko, Kaya imbes na mapatingin ako sa mga anak ko ay napabaling ako kay Travis na natatawa-tawa habang nagmamaneho. "Kinikilig siguro, kaya ganyan." Natatawang sabi niya habang nakatingin pa 'rin sa daan. Kusang nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Hindi noh!" Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng kilay ni Travis habang natatawa-tawa. Unti-unting napapahaba ang nguso ko. Hindi na ako nakipagmatigasan pa sa kanya hanggang sa marating namin ang eskwelaha