"Bakit ngayon lang kayo umuwi? Kanina ko pa kayo hinihintay." Sabi ko kina Kristian at Kristofer. Naka-suot pa sila ng uniform nila. Galing sila sa kanilang eskwelahan, "Ma. Ngayon lang kami pinauwi ng teacher namin." Lumapit ako sa dalawa at humalik sa pisngi nila. "Okay," Ngumiti ako ako sa kanila, "Magbihis na kayong dalawa. Di 'ba pupuntahan pa natin si Papa? Susorpesahin natin." Tumango sila at agad nagtungo sa kani-kanilang kwarto. Ako naman ay inilagay na sa sasakyan ang mga gamit namin. Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na rin ang dalawa sa kani-kanilang mga kwarto. Naka-bihis na ang mga ito at poging-pogi sa kanilang itsura. Pasimple tuloy akong napangiti. "Kamukhang-kamuha n'yo Papa n'yo." Saad ko sa kanila nang makasakay kami ng sasakyan. "Oo naman." Proud na sabi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books