"Hindi ka pwedeng mag-paalam sa Mama mo, Kara. Hindi pwede.." Mahinang sabi ni Travis habang mahigpit na hawak-hawak ang kaliwang kamay ko. Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Travis at ginagamot ang sugat sa labi niya. "Eh, paano 'yan. Magagalit sa akin si Mama." Sabi ko pagkatapos kong itapon sa trash can ang bulak. "Wala namang nagtatanan na nagpapaalam, Kara.." Sabi ni Travis. "Pero wala akong pera..." Sabi ko. "Eight hundred nga lang yata ang pera ko na natira sa bahay." Sabi ko ba. Tumunghay si Travis at pagkatapos ay saka ako niyakap. Ganyan na siya simula pa kanina. Lambing siya ng lambing na tila may ginawa siyang kasalanan sa akin. "May naipon akong pera. Sapat na siguro 'yon sa atin.." Tulad ng napag-usapan namin ni Travis ay uuwi muna ako sa bahay namin, pero bago pa ako maka