13 Brittany is sleepy and tired because it's already nine pm. Tulog na si Hayden nang makauwi sila sa apartment. From strolling around, down to eating hanggang sa condo unit ni Nate ay nakarating na silang mag-ina. All day bonding ang dalawa at panay ang tugtog ng bata sa drum set ni Nate. Sya naman ay nananahimik lang at ayaw makigulo sa dalawa. Panay ang masid niya at tago ang kasiyahan para sa anak na matagal na naghahanap ng pagmamahal ng isang Daddy. Luckily, he found him, at swerteng mabait at mapagmahal sa anak ang ama nito. Unang araw pa lang ay parang pinunuan na nito ang mga panahon na hindi pa nito alam na nakabuo na ng bata. She didn't had much enough time to talk to him dahil nang mahawakan ng dalawa ang mga instrumento ay walang tigil na pareho sa pagtugtog at pagkanta.