34 Pansin ni Brittany na parang ang bigat ng mga paa ni Nate na humahakbang papalapit sa private plane. Sakay nun ang isang pilot but Nate will fly it by himself. Walang tigil na nitong pisilin ang palad niya habang hawak nang mahigpit. Nasa mismong subdivision ng mga Elizares ang eroplano. "Daddy..." iyak ni Hayden saka yumakap nang mahigpit sa leeg ni Natherson. Parang tinadyakan ang puso niya kaya napayuko na lang sya at nag-iwas ng paningin. It's breaking her heart. To see her son cry in pain is the hardest part of being a mother. Isa pa ay naiiyak din sya kasi di niya alam kung paano ring mapapahiwalay na silang mag-ina kay Nate. Parang kahapon lang ay tinadyakan niya ito nang biglang sumulpot sa pinto ng apartment at magpakilala na ama ng anak niya, ngayon parang ang bilis