23 Halos itulak na ni Brittany si Nate papasok sa mini office ng Daddy nito, matapos nilang umakyat dahil sinabi ng Mommy nito na final na ang desisyon ni Lyeon tungkol sa kasal. "Aw gorgeous! Don't push me," pabulong na sabi sa kanya ni Nate. Para itong tanga na pasilip silip sa pintuan na nakaawang. Nakikisilip din sya at halos magkapalitan na silag dalawa ng mukha at ang mainit na hininga ni Nate at tumatama sa may noo niya. Nakakuyumos ang mga kamay niya sa suot nitong t-shirt sa gawing likod. Ewan niya pero nakakaramdam sya ng takot sa ama ni Nate. Hindi ito tulad ng Papa niya na ubod ng daldal at naglalabas kaagad ng itak pero nagawa niyang sagut-sagutin. Ang Daddy ni Nate ay tahimik lang at naninigas ang panga kapag galit, at tumatalim ang brown na mga mata. Nakakaalangan