38 Bagsak na si Natherson paglapag sa kama. Mula five-hour concert, three-hour live guesting since last night, pictorials and so much more, lastly ay interviews, plastado na siya pero hanggang doon ay sinundan pa rin sya ng manager niya, sa loob ng kwarto niya. "Nate, we need to talk," ani Mister Tucson sa kanya kahit nakadapa na sya sa kama at pikit ang kanyang mga mata. "The Duchess of Cambridge wants you to sing for her 30th birthday this coming Wednesday,"aniyon sa kanya. He just raised his hand. Ano bang magagawa niya? May choice pa ba syang iba? Kahit na yata ikagiba na ng katawan niya basta makatapos na lang sya ng kontrata ay gagawin niya. He wanted to finish things, even if only he could in just a single snap of his fingers, he would. But it's not as easy as that. He has t