48 2 months later… Nakaupo si Nate sa yate nya kasama ang mga kabanda habang pinagmamasdan ang asawa sa di kalayuan. She's busy doing something outside the coffee shop of the beach resort where she and Hayden stayed for almost two months now. Namimigay yun ng kape sa mga turista. Gigil na syang lumabas pero ayaw niya itong biglain. Isa pa, kailangan niyang magpaliwanag dito. Napakarami niyang utang na paliwanag kay Brittany at kay Hayden Ace. Hindi niya alam kung paano uumpisahan. Wala na raw ditong kontak ang pamilya niya, wala kahit na ang kapatid. Nagtago ang mag-ina niya at wala siyang nagawa kung wala silang communication dito. Tiniis niya iyon kaysa naman mas lalong mapasama sina Brittany at Hayden. Di maiwasan na tumulo ang luha niya dahil alam niyang walang kasing bigat a