Lucas "I-text niyo ako agad kapag naka-land na ang yung eroplano." Pang-ilang beses ko na bang narinig ang mga salitang iyon sa misis ko? Sa sobrang dami na, hindi ko na talaga malaman o matandaan kung ilan. Kasalukuyang kaming nasa airport ngayon at nasa harapan namin sina Mama, Papa at Kaia. Tapos na yung six month vacation nila dito at habang nagulong yung proseso sa pagpetisyon namin sa kanila, kailangan nila munang umuwi para hindi maging over-stay. Hanggang six month lang kasi ang yung tourist visa nila at sobrang dami pang proseso ang kailangan daanan para maging residente na sila sa North Carolina na nilalakad ko na naman. Iyon na ang pinaka-safe na paraan para lang hindi ma-ban ang mga biyenan ko at sister-in-law. Pumayag na silang tumira doon at gagamitin nila yung isa sa mga n

