"LUANNE, come here." Tawag niya sa anak na panay ang kandirit sa loob ng venue kung saan kasalukuyang nagaganap ang pag-aayos ng set up para sa launch ng mga bagong units ng LA Motors. Kadarating lang nila ng Cebu at doon sila dumirecho para silipin iyon. It was four days event that will run from Thursday until Sunday. Saturday ang pinaka-big event dahil iyon launching date talaga nakalagay sa invitations na pinadala. Patakbong lumapit sa kanya si Luanne at yumakap. "Dito ka na lang at baka mabagsakan ka pa doon," paalala niya sa anak saka hinawakan ang kamay nito. Napangiti siya ng madinig ang pagkanta ng anak niya habang nakatingin sa sapatos nitong binili pa ni Lucas bago sila umalis. Luanne looked up again to her and smile. "We're doing our best to give you a memorable launching event

