Chapter 55 Pinag-lalaruan ko ang mga daliri ng asawa ko sa ilalim ng mesa habang nakikipag-kwentuhan siya sa mga kaibigan niya. Ipinakilala na din niya ako sakanila bilang girlfriend niya at gaya ni Lyn kanina, tinanong nila siya kung naka-tapos na daw ba ako ng high school dahil mukha pa daw akong bata. Well, baka mas hindi sila makapaniwala kung sasabihin ko na asawa na ako ng kaibigan nila at hindi na basta girlfriend lang. Halos lahat ng mga kasama namin ngayon sa mesa ay may mga asawa at anak na -- maliban kay Patrick na bestfriend ni Jace. Nagulat din ako nang sabihin niya na may tatlong anak na si Lyn dahil hindi iyon halata sa katawan niya. Akala ko nga din ay wala pa siyang asawa, eh. At kaya nalaman daw ni Patrick ang tungkol sa akin ay dahil sinabi ni Jace noong mga panahong