Masaya akong nakikipag-tawanan sa biyenan kong babae at sa hipag ko habang binabalatan ko ang patatas. Naisipang magluto ni ate Maureen para sa tanghalian kaya tumulong ako kahit sa pagbabalat lang ng patatas. At habang nagluluto siya ay nagku-kwento siya tungkol sa buhay nilang mag-asawa. Ang cute lang pakinggan ng buhay mag-asawa nila dahil under si kuya Jap sakanya. Sa tikas niyang iyon, akala mo walang kinatatakutan, eh. "Madalas kayo mag-away, ate?" curious na tanong ko dahil ang sabi niya, nag-away pa lang daw sila sa eroplano. "Well, lately, yes. Alam mo naman kasi pag buntis. Medyo mainitin ang ulo," nakangiting sagot nito habang nilalagay ang yellow corn sa niluluto niya. "Tsaka hindi mo naman maiiwasan yun sa isang relasyon, eh. Right, mommy?" baling nito sa mommy niya. Tuman