Nakatayo ako sa gilid ng pintuan ng room habang hinihintay si Hansal. Ang haba ng free time, wala naman magawa. Wala pa ‘yung iba kong mga kaklase. Walang makausap. s**t lang! Bakit pa kasi ako sinabay no'ng lalaking ‘yon? May balak pa naman akong puntahan si Hansal para sabay nalang kaming pumasok. Kapag kasi kailangan mo, wala. Kapag hindi, nandiyan! Wrong timing lagi! Hindi na tumama! Huminga ako ng malalim at napagpasyahang umalis sa kinatatayuan ko. May naisip kasi ako. Total mahaba-haba pa naman ang oras, pupuntahan ko nalang siya ngayon. Haa! Ang talino ko naman! Nagmadali akong naglakad palabas ng university at nang makalabas na ako ay agad akong pumara ng jeep. Nagdalawang isip pa ako kung sasakay na ako sa pumarada dahil parang puno na, at mukhang hindi na ako magkakasya pero