Chapter 15

4035 Words
Chapter 15 Grace POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Belle para ilagay ako sa ganitong posisyon, kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ni Max ngayon at papunta kaming laguna sa totoo lang walang nagsasalita saming dalawa hindi sya ung Max nangungulit ngayon, tahimik lang syang nagmamaneho at nahihiya naman akong magsalita. “Kumain ka na ba?” tanong nya sakin kaya bahagya pa kong nagulat ng magtanong sya “Ha?” tanong ko sa kanya “I’m asking you kung kumain ka na?” tanong nya sakin “Hindi pa” sabi ko sa kanya kasi totoo naman, bigla na lang kasing pumunta sa bahay si Belle at hindi pa ko kumakain non. “You should eat first” sabi nya sakin at bigla nyang iniliko ang sasakyan sa isang drive thru “Uy hindi na kailangan” sabi ko sa kanya pero hindi nya ko pinakinggan at may tinawagan sya “We stop at the drive thru” sabi ni Max sa kausap nya “Nakasunod kami sa inyo” narining kong sabi ng kausap nya at kung hindi ako nagkakamali si Thunder yon. Si Max ang umorder ng pagkain at kumunot ang noo ko ng marinig ang pagkain na binili nya kaya nilingon ko sya at naalala ko ang sinabi ni Belle sakin kanina “Bakit?” tanong nya sakin kaya umiling ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Saglit lang kaming nag intay para sa order nya at umalis na din kami, habang asa byahe ibinigay nya sakin ang pagkain na binili nya para sakin “How did you know that I don’t like mayo in my chicken burger?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa hawak kong burger “Wild guess” sabi nya sakin pero hindi ako naniniwala sa kanya “Max can I ask a question?” tanong ko sa kanya at tumingin sa kanya “Go on” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Did we meet before?” tanong ko sa kanya kaya bahagya syang natigilan sa naging tanong ko at hindi malaunan ay inayos nya ang pagkakaupo nya “Bakit mo naman naitanong yan?” tanong nya sakin kaya napakagat ako ng labi ko “Just answer my question Max” sabi ko sa kanya “Paano kung oo Grace, anong gagawin mo?” tanong nya sakin kaya tinitigan ko sya at pilit na inisip kung sino sya sa buhay ko. “Kung hindi mo maalala pwes ipapaalala ko sayo kasi alam kong hindi mo ko maaalala kung hindi ako gagawa ng paraan para maalala mo” sabi nya pa sakin “Kung sino ka man sa naging parte ng buhay ko sana lang hindi ka isa sa nanakit sakin” sabi ko sa kanya at bigla syang ngumiti at saglit na sumulyap sakin “Hindi ako ganong tao Grace, ako ang sinasaktan pero hindi ko kayang manakit” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Wala namna akong sinabing ganon Max” sabi ko sa kanya “Wala ka ngang sinabi pero ganon naman ang ipinaparating mo sa mga sinasabi mo sakin, Grace hindi ako masamang tao at kung maalala mo lang ako o makilala man lang alam mong hindi ako gumawa ng kahit isang bagay para saktan ka pero sabagay paano mo nga naman maalala ang isang tulad ko kung noong naging magkasama tayo iba ang iniisip mo” sabi nya sakin kaya unti unting may rumirihistrong alaala sa isipan ko pero napaka-imposible naman non dahil hindi sya ung tao na yon, magkaiba silang dalawa. “Did we meet a year before?” tanong ko sa kanya pero umiling sya “It’s been years Grace, hindi noong isang taon!” sagot nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ulit ako “Wag kang magpaka-stress kung hindi mo maalala pero bigyan mo lang ako ng pagkakataon Grace kahit hindi mo ko maalala papatunayan ko naman sayo na hindi ako katulad ng ex-boyfriend mo na iiwan at lolokohin ka na lang basta” sabi nya sakin at hindi na lang ako kumibo pa, sumandal na lang ako sa bintana na kotse nya at ipinikit ko ang mga mata ko para mag-isip, kung bibigyan ko ng pagkakataon si Max na patunayan ang sarili nya sakin masasaktan pa din kaya ako? Magagawa nya kaya akong saktan tulad ng ginawa sakin ng ex-boyfriend ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko pero lumalaban naman ang puso ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa totoo lang kahapon pa ko wala sa tamang pag-iisip simula noong nang galing ako sa pinuntahan ko kahapon at noong nakausap ko ang tao na yon. Hindi ko nga akalain na makikita ko sya at sa isang iglab babalik sya pero base sa mga sinabi nya sakin wala naman daw syang balak mang gulo kasi alam nyang masaya na si Kate, well ang tao lang naman na nakita ko sa semintoryo kahapon ay walang iba kung hindi ang ex-boyfriend ni Kate, well maayos naman ang paghihiwalay nila ni Kate at kaya naman sya bumalik dito kasi ngayon daw ang araw kung kelan natagpuang patay ang kapatid nya, I don’t know the real story behind that pero coisidence na ung puntod ng kapatid ko ay malapit lang sa puntod ng kapatid nya kaya sya andon. May kapatid ako at tuwing malungkot ako pumupunta ko sa kanya, hindi naman dapat ako nag iisang anak lang pero sa kasamaang palad namatay ang kapatid ko dahil sa isang aksidente noong mga bata pa kami. I remember what Mark said to me yesterday noong magkausap kami “I let her go because I want her to be happy at noong mga panahon na kaming dalawa pa alam kong hindi sya magiging masaya sakin dahil sa dami kong problema, I don’t want her to feel left out when everytime I was away” sabi nya sakin “Pero mahal mo pa ba?” tanong ko sa kanya “Mahal ko pa din pero alam kong masaya na si Kate ngayon” sabi nya sakin “At least you did not cheat on her and you have a mutual decision on separating ways” sabi ko sa kanya “Are you still mad at him?” tanong nya sakin referring to my ex-boyfriend na kaibigan nya “Hindi naman na wala galit ko sa kanya” sagot ko sa tanong nya “Grace lahat nahihirapan umusad pag masyadong nasaktan, ako noong nahiwalay kami ni Kate nahirapan din ako kasi mahal na mahal ko sya pero kung ikukulong ko naman sya sakin mas mahihirapan lang kaming dalawa at kung hindi ko naman tutulungan ang sarili ko na mag move forward masasaktan lang ako, Grace I’m telling this to you because I treat you as a friend. You should move on at kahit na ba kaibigan ko sya alam kong mali ung ginawa nya pero wag mo ng ikulong ung sarili mo sa galit sa kanya kasi sa totoo lang may dahilan sya kaya nya yon nagawa, cheating is a mistake but sometimes cheating is an easy escape, he cheated on you because that’s the only way that you can easily forget him” sabi nya sakin “Sinaktan pa din nya ko” sabi ko sa kanya at napabuntong hininga sya “Wala na kong magagawa kung galit ka sa kanya pero Grace in order to be happy you need to accept the fact that you need to move forward, be happy with the person who’s with you and who can treasure you. Kung natatakot ka na masaktan hindi ka makaka-usad pag ganon. Always remember that love and pain is always together, hindi titibay ang pagmamahal kung hindi ka minsan masasaktan.” Sabi nya sakin “Don’t tell anyone that you saw me here kahit na kay Kate, wala akong balak na guluhin pa sya” sabi nya pa sakin kaya tumango ako at umalis na sya. Yan lahat ng sinabi ni Mark sakin kahapon at may punto sya. Nag dilat ako ng mata ko ng huminto ang sasakyan ni Max “Andito na tayo” sabi nya sakin at akmang lalabas na sya ng sasakyan pero pigilan ko sya, gagawin ko to kasi gusto kong buksan ang puso ko “Max” tawag ko sa kanya “Bakit?” tanong nya sakin at hinarap ako “Pumapayag na ko” sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya “Anong ibig mong sabihin?” tanong nya sakin kaya huminga ako ng mamalim at nagsalita “Pumapayag na ko na ligawan mo ko pero sa isang kundisyon” sabi ko sa kanya “Anong kundisyon?” tanong nya sakin “I will give you at least one month at pagkatapos non na wala pa din akong nararamdaman para sayo susuko ka na” sabi ko sa kanya at bigla syang ngumiti “Within one month or lessen one month I will win you” sabi nya sakin at bigla akong niyakap na ikinalaki ng mata ko “Max ano ba!” sabi ko sa kanya at itinulak sya palayo “Starting today nililigawan na kita” sabi nya sakin kaya napailing na lang ako at nauna ng lumabas ng kotse nya kung saan nakita kong nakatingin sakin si Belle habang nakangiti “Anong ngiti yan?” tanong ko sa kanya at nilapitan ko sya “Nakita ko yon” sabi nya sakin at tumawa na “Belle!” sita ko sa kanya pero lumakas lang ang tawa nya sakin kaya napailing ako “Nababaliw na ba yan?” tanong ni Kate sakin ng lapitan kami dahil tawa ng tawa si Belle “Wag mo ng pansinin ang babae na yan” sabi ko sa kanya “Baka kasi may nakitang nakakatuwa si Belle kaya ayan tawa ng tawa” sabi ni Trixie kaya tiningnan ko sya at ngumiti sya sakin. So pati sya nakita din nya “Ano yon? Bakit parang ako lang ang hindi nakakaalam” sabi ni Kate samin kaya napabuntong hininga ako “Alam nyo tara na lang sa loob para makapagrides tayo” sabi ko sa kanila at niyaya sila papunta sa ticket booth kung saan andon ang boys “Ung totoo ano yon?” tanong ni Kate “Itanong mo kay Grace kasi kahit nakita namin na niyakap sya ni Max iba pa din ung sa kanya manggagaling ang kwento” sabi ni Belle kaya sinamaan ko sya ng tingin “talaga ba?” tanong ni Kate “Oo” sagot ni Trixie sa kanya kaya tiningnan nila ko at sumilip naman ako sa mga kasama namin at busy naman sila sa pagbili ng ticket “Pumayag lang naman ako na ligawan nya ko” sabi ko sa kanila na ikinalaki ng mga mata nila “Seryoso?” tanong ni Belle sakin habang nakangiti kaya tumango ako sa kanya “At last nakapagdesisyon ka na din” sabi ni Kate sakin at Salamat sa ex-boyfriend nya kasi kung hindi ko siguro nakausap si Mark non hindi ako makakapag-isip “I’m not doing this to move on, ginagawa ko to kasi alam kong dito akong magiging masaya kaya nga binigyan ko ng isang buwan si Max para mapatunayan nya ang sarili nya kasi ayoko naman na basta na lang umoo sa kanya at magmukang rebound ko lang sya” sabi ko sa kanila kaya naman tumango sila “At least si Max matino at nakikita kong hindi ka naman nya sasaktan” sabi ni Trixie kaya napatingin kami sa kanya  “Bakit si Nathan ba hindi ganon ang tingin mo?” tanong ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at hindi na kumibo hanggang sa nilapitan na kami ng mga kasama namin. “Tara na sa loob” sabi samin ni Thunder kaya sumunod kami sa kanila papasok sa loob at wala pang masyadong tao ngayon dahil maaga pa at parang kami nga ang una dito. “So paano?” tanong ni Belle sa kanila “Hiwahiwalay muna tayo, by pair” sabi ni Max kaya napailing ako sa sinabi nya “Okay sige” sabi ni Thunder at bigla na lang silang umalis ni Kate “Tara na” sabi sakin ni Max kaya tiningnan ko sya at wala na kong nagawa kung hindi sumama sa kanya. Hindi ko na ipapanalangin na hindi ako masaktan kasi sabi nga na hindi totoong pagmamahal yon kung hindi ka masasaktan, ang gusto ko na lang ay maging masaya ko sa desisyon ko na to at hindi ako magsisi na binigyan ko ng pagkakataon si Max na papasukin sya sa buhay ko lalo na sa puso ko. Trixie POV Tiningnan ko lang na umalis sila Kate at Thunder, at syempre hindi nagpahuli si Max sa kanila at sumunod na din silang umalis ni Grace kaya naman ang naiwan na lang dito ay kaming apat nila Belle “Let’s go” sabi ni Nathan sakin kaya tiningnan ko sya at nagkasalubong ang tiningin namin kaya naman nag-iwas ako ng tingin at tiningnan si Belle nan aka ngiti lang sakin at tumango pa sya kaya napabuntong hininga ako saka hinarap si Nathan at tumango sa kanya at umalis na kaming dalawa. Kanina sa byahe namin papunta dito natulog lang ako at hindi sya pinansin, hinayaan nya lang naman ako at nagpapasalamat ako dahil don. Hindi ko alam sa mga kaibigan ko na mukang ipinagtutulakan pa ko dito kay Nathan, kung alam lang nila kung sino ba ang taong to baka magbago ang isip nila. “Saan mo gustong pumunta?” tanong nya sakin at nagkibit balikat ako “Ewan” sagot ko sa kanya kaya huminto sya pero nagpatuloy ako sa paglalakad pero pinigilan nya ko at hinila palapit sa kanya “Trixie” tawag nya sakin at lumayo ako ng bahagya sa kanya “Bakit?” tanong ko sa kanya “Alam kong nilalayuan mo ako at napilitan ka lang na sumama sakin” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “tapos?” tanong ko sa kanya, kung alam naman pala nya bakit eto pa din sya sa harap ko ngayon? Hindi ba dapat lumalayo na din sya sakin o baka naman kasi pursigido sya na isama nya ko sa mga koleksyon nya pero hindi nya ko mauuto. “Kung iniisip mo na lalayuan kita dahil don nagkakamali ka Trixie” sabi nya sakin “Ano bang punto nito Nathan?” Tanong ko sa kanya “I like you” sabi nya sakin pero umiling ako sa kanya “You like me then you like everyone!” sabi ko sa kanya at tinalikuran na sya “Trixie hindi ganon yon” sabi nya sakin “Nathan buong university ang nakakalaam kung gaano ka hindi kaseryoso sa mga babae” sabi ko sa kanya “Oo hindi ko ikinakaila yon Trixie” sabi nya sakin “Un naman pala eh wag mo na kong isama sa koleksyon mo Nathan, okay lang sakin na magkaibigan lang tayo at hindi mo na kailangang sabihin sakin na gusto mo ko kasi kaibigan lang ang tingin ko sayo” sabi ko sa kanya kaya nabitawan nya ko “Talaga bang kaibigan lang ang tingin mo sakin kahit na nagbago na ko? Kahit na lahat ng naririnig mong chismis tungkol sakin sa university ay puro nakaraan na lang? wala ba kong pag asa dyan sa puso mo kahit na nag bago na ko? Hindi ko ba pwedeng patunayan sayo na malinis ang intensyon ko sayo at gusto talaga kita?” sunod sunod na tanong nya sakin na hindi ko sukat akalain na itatanong nya “Nathan!” tawag ko sa kanya kasi ung itsura nya ngayon malayong malayo sa Nathan na nakilala ko “Just answer my question Trixie, meron ba o wala?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Nathan let’s just stay being friends” sabi ko sa kanya na ikinalaglag ng balikat nya “Yan ba talaga ang gusto mo ang maging magkaibigan lang tayo?” tanong nya sakin at alam kong eto lang ang dapat kong gawin para matapos lang to “Oo Nathan kasi un naman talaga dapat eh, ang maging magkaibigan lang tayo. Hindi tayo katulad nila Max at Grace na may chemistry, iba tayo sa kanila. Tayo nagkakilala tayo dahil may mutual understanding tayo sa mga gusto natin pero hindi tayo Nathan ung para magkaroon ng relasyon” sabi ko sa kanya at hindi ko alam kung ano tong kirot sa puso ko habang sinasabi ko to sa kanya pero wala ng atrasan to “Kung yan ang gusto mo sige Trixie kakalimutan ko kung ano nararamdaman ko sayo at mananatili tayong magkaibigan pero may hihilingin ako sayo” sabi nya sakin “Ano yon?” tanong ko sa kanya “Ngayong araw na to iparamdam mo sakin na meron kang patingin sakin, kahit ngayon lang let’s forget that we’re friends and be a couple for one whole day” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako at tumango “Papayag ako but after this back to normal tayo bilang isang magkaibigan at kakalimutan natin ang sinabi mo sakin” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin saka hinawakan ang kamay ko “Let’s start the deal today” sabi nya sakin at hinila ako papunta sa kung saan. Sana hindi ako magsisi sa naging desisyon ko ngayon. Hindi kasi porket pinagtagpo kami ni Nathan ng tadhana kami na para sa isa’t isa, ayoko lang na umabot sa puntong saktan nya lang ako sa huli, nakakapagod din naman kasing masktan. Kate POV Hinayaan ko na lang si Thunder na hilahin ako sa kung saan hanggang sa makarating kami sa bump car “Eto talaga ang unang ride natin?” tanong ko sa kanya at bahagyang tumawa “Ayaw mo? Pwede naman sa carousel tayo kung ayaw mo dito” sabi nya sakin kaya inirapan ko sya “Ayaw mo bang mag roller coaster?” tanong ko sa kanya “Hinahamon mo ba ko?” tanong nya sakin kaya ngumiti ako sa kanya at tiningnan sya sa mga mata nya “Papatol ka ba sa hamon ko” tanong ko sa kanya “Hinahamon mo ba talaga ko?” tanong nya sakin at inilapit ang muka sa muka ko pero hindi ako nag iwas ng tingin sa kanya “Oo, so ano game ka ba?” tanong ko sa kanya at ngumiti “Game” sabi nya sakin kaya tumango ako at hinila sya papunta sa roller coaster. Walang mahabang pila kaya mabilis kaming pumasok sa loob “Wag kang sisigaw ah” sabi ko sa kanya “Sabihin mo yan sa sarili mo” sabi nya sakin kaya napailing ako sa kanya at sumakay na kaming dalawa “Ihahanda ko na mamaya ang plastic baka sumuka ka pagbaba natin” sabi ko sa kanya “Wag mo kong paglaruan Kate kasi pag ako ang naglaro baka hindi mo magustuhan” sabi nya sakin kaya inirapan ko sya at umandar na nag ride. Actually, malakas lang ang loob kong ayain sya dito kasi akala ko hindi nya ko papatulan sa hamon pero andito na to at bahala na lang mamaya pagkatapos nito! Habang paangat kami huminga na agada ko ng malalim at inintay ang pagbagsak namin mula dito sa taas “Kaya pa?” tanong nya sakin at ngumiti lang ako sa kanya “Syempre naman” sagot ko sa kanya at walang pasabing bigla kaming bumulusok kaya naman napatili ako “Ahhhhhh” sigaw ko ng bumilis na ang ride “Hold my hand” sabi nya sakin kaya hinawakan ko yon hanggang sa matapos ang ride, bumitaw lang ako sa kanya ng umalis na kami sa pagkakaupo pero inalalayan nya ko palabas. “Ang lakas mong maghamon pero mukang ikaw itong talo” sabi nya skain kaya umirap ako sa kanya “Gusto ng isa pa?” tanong ko sa kanya at umiling sya sakin “Umupo muna tayo, your dizzy” sabi nya sakin at inalalayan akong umupo sa may bench “Thank you” sabi ko sa kanya at inayos ko ang sarili ko “Kaya mo pa ba?” tanong nya sakin “Oo naman” sagot ko sa kanya at ngumiti “Sa susunod kung hindi mo kaya o first mo pa lang wag kang maghamon sa bihasa na” sabi nya sakin “Oo na po” sagot ko sa kanya at tumawa sya sakin “Siguro madalas ka dito at madami ka ng nadalang babae dito kaya sanay na sanay ka! Sinasakay mo din ba sila sa roller coaster para ka chansing ka?” tanong ko sa kanya kaya sumeryoso ang muka nya “Hindi ko gawain yon Kate” sabi nya sakin “Di ako naniniwala” sabi ko sa kanya at bahagyang tumawa “Isang tao lang ang dinala ko dito at anniversary namin yon pero noong ding araw na yon nahiwalay kami pagkatapos naming sumakay dyan sa ride na yan kaya sumakay na tayo sa kahit anong ride dito wag lang dyan” sabi nya sakin at itinuro ang ferries will na asa harap naming dalawa “I’m sorry to hear that” sabi ko sa kanya “Don’t be, nakaraan na yon” sabi nya sakin. “You know what parehas pala tayo, kasi naghiwalay din kami ng taong mahal ko dito din sa lugar na to pero mutual decision naman yon at ang nakakatawa kamo dito yon sa inuupuan nating dalawa, sa bench na to” sabi ko sa kanya at tiningnan ko sya, nakatingin din pala sya sakin. Eto ang unang beses na sinabi namin sa isa’t isa ang pinagdaanan namin, maybe because of the ride or it’s just the vibe. Naalala ko tuloy noong naghiwalay kami ni Mark dito kahit na parehas naming naging desisyon na maghiwalay masakit pa din sakin yon at hindi ko napigilan umiyak non lalo na noong umalis sya, luckily may nagbigay lang sakin ng panyo non dahil umiiyak ako pero hindi ko naman kilala kung sino yon pero tinaggap ko pa din at gamit ko nga ngayon ang panyo na yon, hindi ko nga alam kung swerte ba na binigyan ako ng panyo o nakakahiya kasi umiiyak ako non. Inilabas ko ang panyo na yon at tiningnan ko kung sino man ang nagbigay sakin nito I’m thankful to that person “Where did you get that?” tanong sakin ni Thunder “Ha?” tanong ko sa kanya at inangat nya ang kamay kong may hawak na panyo “Saan mo ka ko nakuha yan?” tanong nya sakin “Someone just let me use this, actually nakuha ko to dito sa lugar na to noong nahiwalay kami ng ex ko. Isang tao ang nagbigay sakin nito noong umiiyak ako dito” sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanya. Ang seryos ng muka nya kaya kumunot ang noo ko “May problema ba Thunder?” tanong ko sa kanya “So you’re the woman who’s crying that day” sabi nya na ikinakunot pa ng noo ko “What are you talking about?” tanong ko sa kanya at ngumiti sya sakin “I’m the owner of this handkerchief” sabi nya sakin na ikinalaki ng mata ko. “Ikaw yon?” tanong ko sa kanya at ngumiti sya sakin saka tumango “Look like Destiny is playing so well” sabi nya sakin at mas lumawak pa ang ngiti. Tama sya sa sinabi nya, mukang pinaglalaruan nga kami ng tadhanang dalawa. Dito sa lugar na to parehas kaming iniwan ng taong mahal namin, dito din sa lugar na to kung saan nya ibinagay sakin ang panyong hawak ko at ngayon andito kami sa lugar na to. Coincidence? I bet it’s not, because it was destiny who did everything. Hindi naman kasi siguro coincidence lang na nagkakilala kaming walo at lahat kami ay koneksyon sa bawat isa tulad na lang ng samin ni Thunder at ni Max saka ni Grace. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD