Chapter 61 Mark POV Mabilis namin isinugod sa pinakamalapit na ospital si Belle dahil bigla na lang syang nawalan ng malay at eto kami ngayon sa labas ng emergency room iniintay ang doktor nya buti na lang pwede din si ate Abby dito “What happened to her earlier? Bakit bigla na lang sya nagkaganyan?” tanong ko kay Carla dahil sila lang naman ni Belle ang magkasama kanina kaya imposibleng hindi nya alam ang dahilan kung bakit inatake ang kapatid ko “I’m not the one who should tell you this love pero sa sitwasyon ni Belle dapat malaman mo ang totoo” sabi nya sakin kaya kumunod ang noo ko at hinila nya ko palayo kila Dad “Ano yon?” tanong ko sa kanya at inabot nya sakin ang cellphone ni Belle, kanina may kausap sya at sa palagay ko si Jd yon pero anong kilamaman ni Jd sa nangyari “Someone