Chapter 13

3677 Words
Chapter 13 Trixie POV Pagkatapos ng klase ko ngayon mabilis kong inayos ang gamit ko kasi malapit ng magsimula ang oathtaking ni Belle at ayoko naman hindi pumunta don “Hi” napatingin ako sa tanong nagsalita sa gilid ko at isa sya sa mga kaklase kong lalaki sa subject ko na to “Hi, may kailangan ka?” tanong ko sa kanya “May gusto lang sana kong itanong sayo kung pwede” sabi nya sakin kaya tumango ako “Ano yon?” tanong ko sa kanya “Okay lang ba?” tanong nya sakin “Oo naman, walang kaso” sabi ko sa kanya at ngumiti “I just want to ask if you have some notes with the previous lesson last week?” tanong nya sakin “I have, do you want to borrow it?” tanong ko sa kanya “Yes” sabi nya sakin kaya kinuha ko ung notebook ko sa bag ko at inabot sa kanya “Here, isoli mo na lang sakin next week” sabi ko sa kanya at ngumiti “Thank you Trixie” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at umalis na. Tiningnan ko ungoras sa relo ko at paniguradong magsisimula na yon kaya naman mabilis akong naglakad papunta sa function hall at sa kakamadali ko hindi ko napansin na may nakaharang pala sa dadaanan ko kaya muntik na kong matalisod buti na lang may kamay na umalalay sakin mula sa likod ko “Thank you!” sabi ko at nakahinga ng maluwag saka nilingon ang tumulong sakin “You should be careful next time” sabi nya sakin “Thank you again” sabi ko sa kanya “You’re always welcome” sabi nya sakin at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya at tuluyan ng pumasok sa loob ng function hall at buti na lang hindi pa nagsisimula pero karamihan ng estudyante nakaupo na kaya hinanap ng mga mata ko sila Kate at buti na lang nakita ko agad sila kaya naman naglakad ako papunta sa kanila “Sorry na late ako” sabi ko sa kanila ng makalapit ako “Okay lang buti nga di pa nagsisimula” sabi sakin ni Kate at umupo ako sa upuan na bakante sa tabi nya “Bakit ba kasi ngayon ka lang?” tanong nya sakin “May inayos pa kasi ako” sagot ko sa kanya at tumango sya sakin at itinuon na namin ang atenyson sa stage dahil nagsalita na si Dean para ipakilala si Belle “Let us welcome the new Student Council President” sabi ni Dean at tumayo naman si Belle sa tabi nya at nagsimula ng manumpa “I Belle Yuri Co, duty elected as Student Council President for this school year, do hereby solemnly swear that I shall uphold, abide and defend the constitution, law, rules superior officers, I hereby commit myself to faithful discharge the duties, responsibilities and functions of my office to the best of my abilities. I shall conduct myself in a dignified manner to maintain and uphold the prestige of my office. I do hereby voluntarily accept this obligation without reservation whatsoever in my honor as a student.” panunumpa ni Belle sa harap ng lahat at inabot na din sa kanya ni dean ang isang plaque saka kami nagpalakpakang lahat. Sa aming apat nila Grace si Belle ung may characteristic of being a leader at alam kong kaya nyang gawin lahat ng obligasyon at responsibilidad na nakapatong sa kanya ngayon, she is an excellent woman. Napaka-swerte nga ng taong mamahalin ni Belle sa totoo lang pero napaka-tanga lang ng taong nanakit sa kanya noon and Speaking of Grace nga pala hindi ko sya nakita dito “Asan si Grace?” tanong ko sa kanila at si Nathan ang sumagot sakin “Umalis daw kanina” sabi nya sakin kaya napatango na lang ako at hindi na kumibo pa hanggang sa matapos ang ceremony at hanggang sa makalabas kami ng function hall, sa totoo lang gusto kong dumistansya kay Nathan simula ngayon at kahit kanina na alam kong nakatingin sya sakin hindi ko sya pinapansin. Ayoko lang mahulog sa taong hindi naman ako sasapuhin. “So anong plano?” tanong ni Nathan samin “I will treat you for Dinner kung libre kayo ngayon” sabi ni Belle saming lahat “Game ako dyan” sabi ni Nathan at tumango na lang ako sa kanila na ibig sabihin ay sang-ayon ako “Game ako” sabi naman ni Kate saka ni Thunder “Jd ikaw?” tanong ni Belle kay Jd “I will join” sagot ni Jd sa kanya “So tara na” sabi ni Nathan pero pinigilan sya ni Jd “Hindi tayo kumpleto” sabi nya kaya napabuntong hininga si Kate “Wala si Grace saka si Max” sabi ko sa kanila “Baka naman magkasama ung dalawa” sabi ni Nathan pero biglang dumating si Max na parang wala sa sarili “Uy anyare sayo?” tanong ni Nathan sa kanya at nilapitan namin sya “Wala, aalis ba kayo?” tanong nya samin “I will treat you guys for dinner today” sabi ni Belle sa kanya “Pass muna ko, kailangan kong umuwi” sabi nya kay Belle kaya napabuntong hininga si Thunder “Sigurado kang okay ka lang?” tanong ko kay Max “Okay lang ako enjoy guys and congrats Belle” sabi nya samin at tuluyan ng umalis. Susundan sana sya ni Nathan pero pinigilan sya ni Jd at Thunder “Let him rest, he need time” sabi ni Jd kay Nathan “I never seen Max being like that” sabi ni Nathan samin “Masyado yata syang apektado sa pagtanggi sa kanya ni Grace” sabi ni Belle “Wala din si Grace ngayon” sabi ko sa kanila at napabuntong hininga “Hindi ba sila pwedeng maging magkaibigan na lang?” tanong ni Nathan samin, kahit ata maging magkaibigan ang hirap at sa palagay ko ganun ang mangyayari samin “Hindi namin kayang sagutin yan kasi si Grace lang ang makakasagot, masyadong tinamaan si Max sa kaibigan namin. Si Grace ung babaeng pagnasaktan na nagiging bato ang puso nyan kaya kung ipagpipilitan talaga ni Max na i-pursue si Grace magtitiis sya” sabi ni Kate sa kanila “Ang dami nyo naman issue sa past nyo” sabi ni Nathan at tiningnan kaming lahat “Pasalamat ka wala kang problema palibhasa babaero ka” sabi ni Thunder sa kanya at hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa totoo lang, nahuli kong tumingin sakin si Kate kaya inayos ko ang sarili ko na parang walang narinig “Wag kang magsabi ng ganyan Thunder dahil hindi totoo yan” sabi ni Nathan kaya napailing si Jd “Sa ating apat Nathan ikaw ang walang sineryoso” sabi ni Jd sa kanya “Mag uusap na lang ba tayo dito o kakain tayo?” tanong ko sa kanila kasi ayokong makarinig ng kung ano ano pang sasabihin ni Nathan dahil idedeny nya lang eh halos karamihan yon ang alam sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ba ko apektado sa kanya! Kailangan ko na talagang ayusin ang sarili ko dahil hindi na tama to sa totoo lang. Ilang linggo pa lang kaming magkakilala pero ganito na nag nararamdaman ko, masama to “Let’s go” sabi ni Kate at nagsipaglakad na kami papunta sa parking lot.  “Belle di mo ba dala kotse mo?” tanong ni Kate kay Belle at oo nga wala dito ung kotse ni Belle. Kay Grace kasi kami nakasabay kanina at ngayong wala sya kay Belle sana kami sasabay. May kotse naman ako pero ayokong gamitin dahil sa may dahilan ako at hindi eto ang oras para pag-usapan yon “Nagpahatid lang ako kasi hiniram ni ate ung koste ko, kay Grace sana ko sasabay” sabi nya kay Kate “You can ride with me” sabi ni Jd kay Belle “Sakin ka na sumabay Kate” sabi ni Thunder kay Kate kaya tumingin sila sakin at sasabihin ko na sanang kila Thunder na lang ako sasabay pero naunahan ako ni Nathan “Ako na ang bahala kay Trixie” sabi ni Nathan sa kanila kaya sumakay na sial sa kotse ni Thunder at Jd “Let’s go” sabi sakin ni Nathan at pinagbuksan pa ako ng pinto kaya wala akong nagawa kung hindi sumakay sa kotse nya at sumunod na kami kila Kate. Tahimik lang ako sa byahe at hindi ko na ko nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa restaurant nila Belle, nauna kong bumaba sa kanya at hindi ko na sya pinansin pa. Naglakad ako palapit kay Kate at sabay kaming pumasok sa loob kasama sila Belle hanggang sa makarating kami sa rooftop ng restaurant nila kung saan tanaw mo ang magandang view sa baba mula dito sa taas, ang sarap din ng simoy ng hangin dito. Nag matapos namin i-appreciate ang magadang view ng paligid nagyaya na si Belle na kumain kami at pinagsaluhan namin anim ang pinahanda nyang pagkain. Sayang lang talaga at wala si Grace dito, kumpleto sana kami. Kung ano man ang pinagdadaanan ni Grace alam kong may malalim syang dahilan kaya ayaw nya pang mag open up samin nila Kate at naiintindihan naman namin yon. After ng dinner namin hindi nawala sa usapn namin ung dalawang nawawala ngayon dito hanggang sa naisipan ni Belle na mag bonding daw kaming lahat na pwede namna para at least makilala pa namin bawat isa pero nagdadalawang isip din ako kasi iniiwasan ko nga si Nathan ngayon. Habang nag-uusap usap kami tungkol sa dalawa bigla na lang akong nakatanggap ng isang notification message kaya tiningnan ko yon at kumunot ang noo ko ng mabasa kung kanino galing yon. “What are you looking at?” tanong sakin ni Nathan kaya itinago ko ang phone ko sa kanya “Wala” sabi ko sa kanya at nakita kong paalis na si Jd at Belle papunta sa baba, mukang may pag-uusapan ang dalawang yon. “May problema ba tayo Trixie?” tanong sakin ni Nathan “Wala” sagot ko sa kanya at tumayo para lumayo sa kanya. Tiningnan ko ang view ng paligid mula dito sa pwesto ko at pumikit para damdamin ang simoy ng hangin at kasabay non ang paghangin ng malakas kaya napayakap ako sa sarili ko “Take this” sabi ni Nathan kaya napadilat ako ng mata at ipinatong nya sa balikat ko ang jacket nya “Hindi na kailangan” sabi ko sa kanya at tinanggal yon pero ibinalik din nya “Wear it Trixie” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako “Thank you” sabi ko sa kanya at nag-iwas ng tingin “I can sense that your uncomfortable with me today” sabi nya sakin “Hindi naman” sagot ko sa kanya at lumayo ng konti sa kanya “Hindi yon ang nakikita ko Trixie” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ulit ako “Kung ayaw mong maniwala sakin na walang problema Nathan wala na kong magagawa” sabi ko sa kanya “You’re not like that Trixie” sabi nya sakin kaya napailing ako “Kilala ko ang sarili ko Nathan at eto ko” sabi ko sa kanya “May problema ka kaya ka ganyan” sabi nya pa din sakin “Hindi Nathan, hindi mo lang siguro ko lubos na kilala tulad ko sayo hindi din kita kilala” sabi ko sa kanya “Then magpapakilala ko sayo Trixie, I will let you know who I am” sabi nya sakin “Para saan Nathan?” tanong ko sa kanya “To be close to you” sagot nya sakin kaya napailing ako “To be close to me and be part of your collection?” tanong ko sa kanya “Is this about what Thunder and Jd said?” tanong nya sakin kaya agad akong umiling “Hindi dahil don yon Nathan” sagot ko sa kanya at tinalikuran na sya pero pinigilan nya ko “Hindi pa tayo tapos mag usap” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Tapos na Nathan at ayoko ng mag-usap pa tayo” sabi ko sa kanya at inalis ang kamay nyang nakahawak sa braso ko at isinoli ko na din sa kanya ang jacket nya “Trixie!” tawag nya sakin pero hindi ko sya pinansin “Kate let’s go” sabi ko kay Kate ng makalapit ako sa kanila ni Thunder “Maaga pa ah” sabi nya sakin “Masama kasi pakiramdam ko” sabi ko sa kanya “I will tell Nathan to drive you home” sabi ni Thudner sakin pero umiling ako sa kanya “Busy si Nathan, kung hindi ka naman sasabay sakin Kate siguro mag ta-taxi na lang ako” sabi ko sa kanya kasi mukang busy pa sila ni Thunder at ayoko naman na maistorbo sila, ngayon na nga lang nag-usap ung dalawa na to na hindi nag aaway “No I won’t let you, sasama na ko sayo” sabi nya sakin “Baka nakakaistorbo ako sa inyo, pwede naman akong mag taxi na lang” sabi ko pa sa kanya “Hindi Trixie, masama ang pakiramdam mo at hindi kita hahayaan na umalis na mag-isa” sabi nya sakin kaya napatango ako at inayos na nya ang gamit nya “If that is the case I will drive you home, gabi na din at mahirap ng mag taxi pa kayo” sabi ni Thunder samin “Sige” sabi ni Kate sa kanya “I will just talked to Nathan” sabi ni Thunder samin kaya tumango ako sa kanya “Intayin ka namin sa baba” sabi ni Kate at tumango si Thunder kaya naman bumaba na kami ni Kate “Ano bang nararamdaman mo?” tanong sakin ni Kate “Gusto ko lang magpahinga” sabi ko sa kanya at naglakad na kami papunta sa parking lot kung saan naabutan namin si Belle at Jd na magkausap “Saan kayo pupunta?” tanong ni Belle samin ng makita nya kami ni Kate “Trixie want to go home, masama daw pakiramdam nya” sabi ni Kate kay Belle kaya tumingin sakin si Belle at nilapitan ako “What happened? Anong masakit sayo?” tanong nya sakin “Masama lang pakiramdam ko at gusto ko ng umuwi” sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti “Eh saan kayo sasakay? Are you going to hire a cab?” tanong nya samin ni Kate “Thunder volunteered to drive us home and if you want sumabay ka na samin” sabi ni Kate sa kanya “Pupunta daw si Dad dito mamaya kaya iintayin ko na lang sya” sabi ni Belle samin kaya tumango kami ni Kate sa kanya “Let’s go” sabi ni Thunder na kakadating lang at binuksan na din nya ang koste nya kaya naman pumasok na kami ni Kate don at nakipag-usap lang saglit si Thunder kay Jd bago sumakay sa kotse nya “Ingat kayo and Trixie take a rest” sabi ni Belle samin “I will” sagot ko sa kanya at ngumiti. Umalis na kami at sa tahimik lang ako dito sa may backseat habang asa byahe kami “Trixie are you sure that you just want to rest? We can stop by the nearest pharmacy to buy medicine if you need some” sabi ni Kate sakin “Hindi na kaialngan, I really just want to rest” sabi ko sa kanya. “Ano ba kasing ginawa mo at biglang sumama ang pakiramdam mo?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako “May iniisip lang ako” sabi ko sa kanya “Wag ka kaya munag mag-isip ng kung ano-ano para naman hindi ka nagkakaganyan” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at hindi nagtagal nakarating kami sa tapat ng bahay namin “Thank you for driving me home” sabi ko sa kanila ni Thunder “Just take a rest” sabi ni Kate sakin at tumango lang sakin si Thunder. Lumabas na ko ng kotse ni Thunder at inintay na lang silang maka-alis bago ako pumasok sa loob ng bahay. Pag pasok ko sa loob sinalubong agad ako ni Mommy “How was your day?” tanony nya sakin “Nothing special happened mom” sagot ko sa kanya “Kumain ka na ba?” tanong nya sakin “Yes po, kasama ko sila Belle kanina” sabi ko sa kanya “Okay sige, take a rest” sabi sakin ni Mommy kaya ngumiti ako sa kanya at umakyat na sa taas saka pumasok sa kwarto. Nag linis muna ko ng katawan ko at pagkatapos non humiga na ko sa kama ko at tumingin sa kisame ng kwarto ko. Napabangon ako sa pagkakahiga ko ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya umupo ako at tiningnan ko kung sino ang tumatawag sakin at nakita ko ang pangalan ni Nathan kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ung tawag nyo o hindi pero ang ending hindi ko pa din sinagot at inilagay ko na lang sa bed side table ko ang cellphone ko. Iwasan ko man o hindi si Nathan magkikita kaming dalawa at wala na akong magagawa don ang tanging dapat ko na lang gawin ay kontrolin ko kung ano tong nararamdaman ko sa kanya kasi sa totoo lang kahit ilang linggo pa lang kaming magkakilala sobrang gaan na ng loob ko sa kanya at ang lapit namin sa isa’t isa na kaming dalawa lang minsan ang nagkakaintindihan. Asa punto na ko na nahuhulog na ko sa kanya dahil sa totoo lang ung mga hindi ko nakita kay Andrei (Ex-boyfriend ni Trixie) noon kay Nathan ko nakikita ngayon. Kahit na maayos ang paghihiwalay namin ni Andrei dahil mutual decision naman yon hindi ko pa din gusto na i-push though itong nararamdaman ko kay Nathan kasi alam kong masasktan lang nya ko. Nathan POV Hindi ko alam kung ano ang problema ni Trixie pero sigurado kong may itinatago sya sakin kaya ganon na lang sya umasta sakin ngayon “Nathan what happened between you and Trixie?” tanong sakin ni Thunder “I don’t know” sagot ko sa kanya “She is going home right now with Kate” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Can you drive them home?” tanong ko sa kanya “Of cource I can, Un nga ang gagawin ko at sinasabi ko lang sayo” sabi nya sakin “Thank you” sabi ko sa kanya at napabuntong hininga sya “Let’s go downstairs, asa parking din sila Jd ngayon kaya tara” sabi nya sakin kaya tumango ako at sabay kaming bumaba sa parking lot kung saan naabutan namin sila na magkakausap “Let’s go” sabi ni Thunder kay Kate at Trixie saka binuksan ang kotse nya at pumasok na don si Kate at Trixie. Sumandal na lang ako sa kotse ko at hinayaan sila. Nang makaalis sila Thunder nilapitan ako ni Jd at saka ni Belle “What happened?” tanong ni Jd sakin “I don’t know” sagot ko sa kanya “Wala ka bang ginawang kalokohan?” tanong sakin ni Jd “Wala akong ginagawang kalokohan Jd at kilala nyo ko, pag ako nag seryoso alam nyong seryoso ako” sabi ko sa kanila “Alam ko yon” sabi nya sakin “Hindi magiging ganon si Trixie kung wala nangyari” sabi ni Belle samin kaya tiningnan ko sya “Wala akong ginawa sa kanya Belle” sabi ko sa kanya “Wala naman akong sinasabing may ginawa ka ang point dito ano ba kasi ung hindi mo ginawa” sabi nya sakin kaya napaisip ako “Okay naman kami nanina noong bago ko sya ihatid sa klase nya pero noong naglalakad kami parang wala sya sa mood at lumagpas pa sya sa room nila at hindi na sya nagpasundo sakin tulad ng gusto nya” sabi ko sa kanila kaya napabuntong hininga si Belle “Ask her directly about the problem at kung ayaw nyang sabihin subukan mo pa din alamin sa kanya kasi sya lang ang nakakaalam non. Hindi naman mapagtanim ng sama ng loob si Trixie” sabi sakin ni Belle “Thank yoi for the advice” sabi ko sa kanya “Nathan umamin ka nga sakin, may gusto ka ba sa kaibigan ko?” tanong nya sakin “Meron” sagot ko sa kanya dahil yon ang totoo, may gusto ako kay Trixie at hindi ko yon itinatago. “Sinabi mo na?” tanong nya sakin kaya umiling ako “Hindi” sagot ko sa kanya kaya napa-iling sya sakin at tiningnan ko si Jd na ganon din “Bakit?” tanong ko sa kanila “Maybe Trixie is waiting for an assurance” sabi sakin ni Jd “If you like her you should tell her what you feel, may mga kumakalat na rumors sa university about you na playboy ka at lagi kanga sa club. Trixie is the type of girl na hindi papatol sa isang taong alam nyang sasaktan lang sya kaya Nathan kung mahal mo ung kaibigan ko pinapayuhan kitang umamin na sa kanya” sabi ni Belle sakin “Rumors?” tanong ko sa kanya kaya napairap sya “Yes rumors! Gusto mo ipakita ko pa ung picture sayo?” tanong nya sakin kaya umiling ako. Ngayon mukang alam ko na kung bakit ganon na lang umasta si Trixie sakin, she probably heard about that rumors. Aaminin ko playboy ako pero noon yon, nagbago na ko ngayon at hindi naman porket ganon ako dati ganun pa din ako ngayon, ipapakita ko kay Trixie na nagbago na ko at hindi na ako isang playboy. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD