Chapter 51 Her POV Hindi ko na alam ang gagawin ko at gulong gulo ang isipan ko, sinubukan kong tawagan si Jd dahil kailangan ko ng kausap ngayon. Hindi ko kayang ako lang mag isa to kasi ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko na kilala ang sarili ko, hindi ko alam kung sino na ba talaga ko pagkatapos kong malaman ang lahat, hindi ko alam kung paano ipoproseso ng utak at ng puso ko lahat ng nalaman ko, sobrang sakit ng dibdib ko at hirap na ko. Ilang beses kong sinubukan tawagan si Jd pero hindi sya sumasagot “Jd please answer my calls” sabi ko sa sarili ko habang hawak ko ang cellphone ko at tinatawagan si JD pero hindi talaga sya sumasagot kaya naman pinatay ko na lang ang cellphone ko at tumalungko na lang ako dito sa may gilid ng kalsada saka umiyak ng umiyak, hindi ko alam kung saa