Chapter 45 Her POV Ilang araw na akong walang balita kung asaan ba si ate at tanging si mommy at daddy lang ang nakakaalam kung asaan sya at ayaw nilang sabihin sakin. Iniintindi ko na lang ang sitwasyon kas inga naman kung malalaman ko kung asaan si ate baka hindi din ako makatiis at masabi ko kay Jd lalo na ngayon na ilang araw na din na hinahanap ni Kuya Dan samin si ate at naawa na din ako sa kanya hindi lang ako kumikibo dahil alam kong masama ang loob ni daddy dahil sa nangyari. Wala naman daw third party na issue sabi nila pero wala pa din kaming alam kung bakit umalis si ate at yon ang kinakakagalit ni daddy kasi daw hindi aalis si ate kung walang ginawa si kuya Dan na ikakasakit ng damdamin ni ate. “Are you still thinking about ate Devlin?” tanong sakin ni Jd saka tumabi sakin,