Chapter 3
Belle POV
Tinitingnan lang namin ang bawat isa at wala kahit na sino pa ang gustong magsalita. Sa lawak na Metro Manila talagang pinagtatagpo ata kami ng tadhanang lahat! Kung sino pa ung ayaw kong makita yon pa ung nakita ko.Hindi pa ko nakakamove on sa ginawa nya sakin eto na naman sya asa harap ko at may gana pang mambwisit ulit! "Talagang pinagtatagpo tayo ng tadhana!" sabi nung Max.
"Do you really believe in Destiny?" Grace said "Ano to coincidence ulit?" The guy named Max said to her pero umirap lang si Grace. "So magkakakilala kayo?" Trixie asked apparently yes kilala namin sila.
"Yes! Block mate’s kami!" si Max ang sumagot.
"So, kaya ka ba bad trip Belle dahil sa kanya?" Trixie ask will pointing her finger towards Mr. Dela Cruz.
"Hindi pa ba halata?" Pabalang na sagot ko saka umirap. "Guys let's go madami pa kong gagawin!" Kate said and I agree to her. I agree to her na umalis na dito "She's right!" I said at tinalikuran sila pero may biglang pumigil sa kamay ko. Tiningnan ko kung sino yon and only to find out Mr. Dela Cruz is the one agad kong binawi ung kamay ko sa kanya. "Take this" he said and left. Tininganan ko ang binigay nya saking paper bag at sinundan naman sya nung isa nilang kasama. "Ah ikaw pala yon" Max said saka tumango.
Kumunot naman ang noo nung lalaking kausap ni Trixie kanina. "Anong sya yon?" He asked "Mamaya na lang!" Sabi nya saka humarap kay Grace."See you tomorrow guys" he said and wave his goodbye together with another guy. Ang weird nila! Parehas silang umalis at lumapit naman sakin sila Kate. Hanggang ngayon hawak ko pa din ung binigay ni Mr. Dela Cruz sakin.
"Ano yan?" Trixie asked, "Paper bag malamang" sabi ni Grace "Alam kong paper bag Grace pero ano ung asa loob?" tanong ni Trixie "Ewan ko sakin ba binigay?" sabi nya at nagkibit balikat "Guys sa sasakyan nyo na lang tingnan yan. Tara na okay!" Yaya ni Kate at naunang naglakad. Sinundan lang namin sya saka nila binayaran ni Trixie ung binili nila at nagpunta na kami sa parking lot kung saan kami naka park kanina at bigla naman tumigil si Grace kaya napatigil din kami.
“Sino tinitingan mo?” tanong ko sa kanya “Hindi ko alam kung sadyang mapaglaro ang tadhana o coincidence lang talaga ang lahat!” sabi nya at pare parehas nanlaki ang mata namin ng makita kung sino ang driver ng kotseng muntik ng bumunggo samin kanina.
“Kalma lang Grace” sabi sa kanya ni Trixie “Umuwi na lang tayo” sabi naman ni Kate kaya hinila namin si Grace bago pa nya masugod si Max na syang muntik ng makabangga samin kanina. “Unang araw pa lang natin ang dami ng nangyari” sabi ni Kate ng makasakay kami sa sasakyan “Experience guys!” sabi naman ni Trixie kaya napailing ako sa kanya. Kung eto ung experience na sinabi nya dibale na lang! “Experience ka dyan Trixie! Palibhasa walang nakaka-inis na nangyari sayo ngayon” sabi naman ni Grace sa kanya.
“Guys tanggapin nyo na lang na nakahanap kayo ng katapat nyo” sabi nya samin kaya napabuntong hininga ako dahil tama naman sya at nakahanap nga kami ng mga katapat namin pero hindi ko naman lubos na maisip na sila ganong klaseng tao ang makakatapat ko. Ako ang unang inihatid ni Grace kaya agad akong bumaba ng kotse n'ya.
“See you tomorrow pero wag nyo na kong daanan” sabi ko sa kanila “Okay, bye” sabi ni Grace at umalis na sila. Pumasok naman na ko sa loob dala ang gamit ko pati na din ang paper bag na inabot sakin ni Mr. Dela Cruz “Hi manang” bati ko kay manang ng makita ko sya “Kamusta ang unang pasok nyo?” tanong nya sakin “Disaster po” sabi ko sa kanya “Baka naman nakipag-away ka?” tanong nya kaya umiling ako pero muntik pa lang.
“Hindi po, saka hindi ko naman gawain yon manang” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin “Sila Mommy po wala pa ba?” tanong ko sa kanya.
“Wala pa pero mamaya uuwi daw sila ng daddy mo may inaasikaso pa daw kasi” sabi ni manang kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango.
“Wala ng bago don manang” sabi ko sa kanya “Akyat na po ako” sabi ko pa “Bumaba ka pagkabihis mo at ihahanda ko na ang dinner mo” sabi nya sakin.
“Wag na manang, hindi po ako kakain” sabi ko sa kanya “Belle baka magkasakit ka nyan” sabi nya sakin kaya ngumiti lang ako sa kanya “Hindi po manang, gusto ko na lang pong magpahinga muna” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at tumango sakin kaya umakyat na ko sa taas at pumasok sa kwarto ko. Ibinaba ko ang gamit ko sa bakanteng lamesa at tiningnan ang binigay sakin na paper bag ni Mr. Dela Cruz saka yon binuksan at isang air pods ang laman non. Sinira nya ang earphone ko tapos bibigyan nya ko nito? Ano yon prank nya? Hindi ko naman na to kailangan dahil nakabili na din ako kaya bukas isosoli ko sa kanya to.
Ayokong magkaroon pa sya ng dahilan para may maisumbat sakin saka hindi ko kailangan ng ganito! Simpleng sorry lang pwede na. Nagpalit lang ako ng damit ko at naglinis ng katawan saka nahiga at natulog. Kinabukasan late na kong nagising dahil wala naman akong morning class kaya hindi na ko sumabay sa mga kaibigan ko na pumasok. Magkakaiba kami ng course at magkakaiba din kami ng schedule. Grace is taking up architecture, Kate is taking up Hotel management, Trixie is accountancy at ako ang kinukuha ko naman ay Business admistration major in Financial Management. Gusto ko din sanang mag accountancy pero nagbago isip ko kaya hindi yon ang kinuha ko baka kasi hindi ko masyadong kayanin. Lahat kaming magkakaibigan ang kinuhang kurso ay related sa business ng pamilya namin pwera na lang kay Grace dahil may kuya naman sya para magtuloy ng business nila at architecture talaga ang gusto nya.
Wala naman kaso sakin kahit anong course ang kuhanin ko pero naging praktikal na lang ako dahil pagka-graduate ko paniguradong sa kompanya namin ako magtatrabaho. Hindi naman ako only child dahil may ate ako at sya ngayon ang kasama nila daddy at mommy sa pag ha-handle ng ibang business namin. Bumangon na ko at inayos ang sarili ko saka bumaba para mag breakfast at hindi na din ako umaasa na maabutan ko pa sa baba ang mga magulang ko dahil late sila umuuwi at maaga naman umaalis kaya sobrang dalang lang naming magkita.
“Good morning my beautiful daughter” sabi ni mommy kaya nanlaki ang mata ko ng makita sya “you’re here” sabi ko sa kanya at natawa naman sya “Of course dear! Bahay natin to” sabi nya sakin at sinalubong ako ng yakap. “Akala ko naka-alis na kayo” sabi ko sa kanya “Free day namin ng daddy mo ngayon” sabi nya at sabay kaming pumasok sa dining area kung saan andon si Daddy na nakaupo sa pwesto nya at umiinom ng kape. “Good morning dad” bati ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. “How was your first day yesterday to your new school?” tanong sakin ni Dad ng makaupo ako sa pwesto ko. “It’s not that good but I can handle it” sabi ko sa kanya.
“Why?” tanong naman ni mommy sakin “May nangyari lang po kahapon pero okay na” sabi ko sa kanya “If you’re having difficulties or hard time sabihin mo agad samin” sabi ni mommy sakin kaya tumango ako sa kanya at nagsimula na kaming kumai na tatlo, ngayon ko na lang sila ulit nakasabay na kumain dahil lagi silang wala kaya napangiti na lang ako at tinapos na ang pagkain ko.
“What time your class will start today?” tanong sakin ni Daddy “Eleven o’clock po” sagot ko sa kanya.
“Maaga kang umuwi mamaya” sabi nya sakin kaya kumunot ang noo ko “Why dad?” tanong ko sa kanya “It’s a surprise” sabi naman ni mommy sakin at ngumiti. “Baka po may kasunod na ko ah!” sabi ko sa kanila at bahagyang tumawa “Well see” sabi ni Daddy kaya pinalo sya ni mommy sa braso “Maaga na lang po akong uuwi mamaya” sabi ko sa kanila at tumayo na saka sila hinalikan sa pisngi “Aalis na po ako” sabi ko sa kanila “Take care!” sabi ni mommy kaya ngumiti ako at lumabas na ng bahay at nagpahatid sa driver namin papasok sa school.
“Manong itetext ko na lang po kayo kung magpapasundo ako or sasabay ako kila Grace” sabi ko sa kanya at ngumiti.
“Sige po” sabi nya sakin at bumaba na ko ng kotse saka pumasok sa loob ng campus. Hindi ko alam kung asaan sila Grace pero hindi ko muna sila hinanap dahil baka malate ako sa next class ko kaya naman dumiretso na ko sa building namin at hinanap ang room na nakalagay sa schedule and luckily nakita ko agad yon despite of a lot of students roaming around. Pumasok na ko sa loob at napaatras ako ng makita ko si Mr. Dela Cruz na mag isang asa loob at akmang lalabas na sana ko ng magsalita sya.
“Avoiding me?” tanong nya kaya napabuntong hininga ako at hinarap s'ya.
“No” sabi ko at umupo sa upuan malayo sa kanya at bago ko makalimutan kailangan ko nga palang isoli sa kanya ung air pods na binigay nya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya at inilapag yon sa desk nya “I don’t need that” sabi ko sa kanya at tiningnan nya ko “I already gave it to you so don’t give it back to me” sabi nya sakin, tinaasan ko sya ng kilay “I said I don’t need it, simpleng sorry lang naman pwede na” sabi ko sa kanya “I don’t say sorry, instead this is the way how I show my sympathy” sabi nya sakin kaya masama ko syang tiningnan “Hindi ko kailangan ng simpatya mo! A simple sorry will do” sabi ko sa kanya “If you don’t then fine” sabi nya at nagulat ako sa ginawa nya dahil basta na lang nyang tinapon sa labas ng bintahan ang binigay nya sakin. “Ang sama mo talaga” sabi ko at tinalikuran s'ya.
“I don’t need your opinion” sabi nya sakin kaya hindi ko na sya pinansin. Sa dami dami naman kasi ng estudyante dito bakit sya lagi ang nagiging kaklase ko? Bakit ba pinagtatagpo kami ng tadhanang dalawa? Nakakainis lang! Akala ko magiging masaya na ang araw ko ngayon dahil ang ayos ng gising ko pero hindi pala, nakaka-bad trip lang sya. Hindi nag tagal dumating na ang iba naming kaklase pati na din nag professor namin at nagsimula na syang magturo at ng matapos sya bigla syang may ina-announce.
“Sa mga estudyanteng matagal ng nag-aaral dito alam nyo naman na every school year nagpapalit tayo ng Student Council at for this year ganon ulit ang mangyayari” sabi nya sakin kaya napatango na lang ang iba kong kaklase “We have here the three consecutive years President of the student council Mr. Dela Cruz! Kindly explain the details for the election” sabi ng professor namin kaya napalingon ako sa kanya at tumayo sya. Sya ang president ng student council? Napairap na lang ako! Wala sa ugali nya!
“The submission of application is starting today until Friday. I will not run for this year presidency because I’ve done my duty” sabi nya samin at pinalakpakan naman sya ng mga kaklase namin kaya hindi ko mapigilan na magtaas ng kilay. “If you have any question kindly go to the student council office to ask” sabi nya pa at naupo na “You already hear it from Jd so I hoping for a new leader na matatapatan ang nagawa nya” sabi ng Prof namin samin at nagpaalam na saka lumabas ng room. Nagsimula na din lumabas ang mga kaklase ko at inayos ko na din ang gamit ko ng maramdaman kong may nakatayo sa gilid ko kaya tiningnan ko sya “What do you need?” tanong ko sa kanya at may ibinaba syang papel sa lamesa ko saka umalis. Tiningnan ko naman yon at kumunot ang noo ko ng mabasa yon “Application for Presidency?” basa ko sa nakasulat.
Bakit naman nya ibinigay sakin to para insultuhin ako o para hamunin ako? Napailing na lang ako at lumabas ng room saka hinanap na sila Grace. Nang makita ko sila sa may garden agad akong lumapit sa kanila at busy silang tatlo sa pag uusap.
“Good thing you’re here” sabi ni Grace kaya kumunot ang noo ko saka tumabi sa kanila “Bakit?” tanong ko “They announce about the election at ikaw ang naisip namin na lumaban” sabi nya sakin kaya napailing ako “Guys bago lang tayo dito at baka mapahiya lang tayo” sabi ko sa kanila.
“I can help you if you want” sabi ng isang lalaki kaya napalingon kami sa kanya “Nathan!” sabi ni Trixie at lumapit sya samin at tumabi kay Trixie kaya tumaas ang kilay namin sa kanya “Who are you?” tanong ni Grace sa kanya “Nathan! Nagkita na tayo sa bookstore last time at kilala ko na din kayo dahil kabibigay lang sakin ng profile nyo at mga transfer student kayo” sabi nya samin “Why do you have our profile?” tanong ni Trixie sa kanya.
“I’m in charge for the new students because I am part of the student council” sabi nya kaya napatango na lang kami. “So I heard that someone want to run for president” sabi nya samin.
“No one” sabi ko pero umiling ung tatlo.
“We are encouraging Belle to run” sabi ni Grace kaya napairap ako at ibinaba ang bag ko sa lamesa at bigla naman may kinuha sa loob ng bag ko si Kate “Akala ko baa yaw mo pero bakit meron ka nito?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako.
Tiningnan naman yon nila Grace “I guess dapat ngang tumakbo ka” sabi ni Nathan kaya kumunot ang noo ko sa kanya “Bakit naman?” tanong ko sa kanya at kinuha nya ung papel na hawak ni Kate “Jd gave you this right?” tanong nya kaya tumango ako sa kanya.
“Isa lang ang ibig sabihin nito. He wants you to be the next president and I don’t know why” sabi nya samin kaya nagtinginan kaming apat. “Ayoko talaga” sabi ko sa kanila at akmang tatayo ng hilahin ako paupo ni Grace “Belle naman we all know na kaya mo” sabi nya at tumango naman si Kate saka si Trixie.
“Hindi yan ang priority ko ngayon” sabi ko sa kanila “Give it a try Belle, ikaw lang ang binigyan ni Jd ng application kahit hindi pa officially naka realse ang form na to! Saka wala naman mawawala kung susubukan mo at matutulungan ko kayo” sabi nya kaya napabuntong hininga na lang ako.
“Fine I will give it a try” sabi ko sa kanila at natuwa naman agad sila sa sinabi ko at nag fill out na ko ng form saka yon inabot kay Nathan tutal isa naman pala sya sa student council officer.
“I will just put this in the office” sabi nya samin kaya tumango kami sa kanya.
“Trixie see you sa next class” sabi nya pa kay Trixie saka umalis na kaya tiningnan namin si Trixie.