Chapter 41 His POV I’m happy na naging maayos ang lahat kanina sa pagitan ni Belle at ng mga magulang ko nang ipakilala ko sya bilang girlfriend ko pero hindi lang nagustuhan ang ginawa ni lolo na pakikipag-usap kay Belle dahil ramdam kong sa likod ng mga ngiti nya may tumatakbong plano na naman sya para sirain ang kaligayahan ko ngayon, ayaw nya talagang makitang masaya ako kaya gagawa sya ng paraan para sirain yon pero hindi na ako makakapayag pa na sirain nya kung anong meron ako ngayon “Hey, anong iniisip mo?” tanong sakin ni Belle, kasalukuyan kaming andito sa labas ng bahay nila ngayon dahil hinatid ko sya at hindi muna sya pumasok sa loob at tumambay muna kami dito sa labas “Iniisip ko lang kung anong pinag-usapan nyo ni lolo kanina” sabi ko sa kanya kaya hinawakan nya ang kamay