Chapter 26 Her POV Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Rogi hindi ko na sya nakita pa o nagparamdam sakin, hindi ko alam kung magiging masaya ba ko dahil don or hindi kasi meron pa din parte sa puso ko na nag-aalala ako sa kanya dahil kahit naman ganon ang nangyari saming dalawa I still see him as my childhood friend “Anong iniisip mo?” tanong sakin ni Jd at inabutan ako ng kape “Wala” sabi ko sa kanya at ngumiti. Andito ngayon kami sa may school field, nakaupo lang sa damuhan at pinapanood ang mag estudyanteng naglalakad dahil wala naman na kaming klaseng dalawa saka malilim dito at parehas pa naming ayaw umuwi. “Hindi yan ang nakikita ko Belle” sabi nya sakin kaya tiningnan ko sya “Ikaw din naman Jd may hindi ka sinasabi sakin” sabi ko sa kanya kaya napabuntog hininga sya “If I te