Chapter 36 Grace POV After kong ma-discharge sa ospital hinatid ako ni Drake pauwi samin at buti na lang talaga wala dito si Mommy at Daddy dahil busy sila sa hacienda ngayon at ako lang ang asa bahay kasama ang mga kasambahay namin “Thank you Drake sa paghatid at pagtulong sakin. I really owe you a lot” sabi ko sa kanya “Wala yon Grace, basta magpahinga ka at tawagan mo na din sila Belle para hindi na sila mag alala sayo” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at umalis na sya. Umakyat na ko sa kwarto ko at ang una ko agad nakita ng makapasok ako ang drawing ng muka ni Max na ginawa ko noon, lumapit ako don at pinunit yon, wala ng saysay pa tong picture na to dahil tapos na kaming dalawa at kahit man lang ngayon hindi ko sya makita. Nagpahinga lang ako saglit at sinimulan ko ng tawag