Minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko. Nangako kami sa isa't-isa na tutuparin namin ang mga pangarap namin. Nagtiwala ako sakaniya pero sinira niya iyon.
Handa akong magpakahirap para sakaniya. Wala saakin na bayaran ang tuition niya, ang alagaaan siya, ang protektahan siya, ang tulungan siya, ang buhayin siya. Nanatili ako sa buhay na ito para makasama siya dahil naniniwala ako sa kabutihang puso niya pero niloko niya lang ako.
"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo? Ang mga babae ay pare-pareho lang." Bulong ng tiyuhin ko saakin habang nakayuko ako at nanginginig sa galit.
Hindi ko ininda ang mga sakit at paghihirap na dinanas ko para sakaniya, para lang maipadama ko ang pagmamahal ko sakaniya, kahit pa tinago ko ang paglalatigo saakin ng tiyuhin ko kapalit ng kapayapaan ng buhay ni Ethel ay sinasalo ko.
Tinago ko man sakaniya ang katotohanan na may pamilyang naghihintay saakin pero para saaming dalawa iyon. Ayaw ko siyang ilagay sa kapamahamakan dahil marumi at mapanganib ang pamilyang pinanggalingan ng Tatay ko.
Matagal na nila akong sinusundo. Ako ang tagapagmana ng karangyaan na dulot ng maruming gawain ng pamilya namin at hindi ako tinitigilan ng tiyuhin ko dahil ang Lolo ko ay nagbanta na ipapamigay ang kayamanan niya sa iba kung hindi nila ako magagawang pabalikin sa puder nila.
Pero sa kabila ng iyon ay pinili ko si Ethel. Palihim ko siyang pinoprotetkahan, pero ito lamang ang ginawa niya saakin. Niloko niya ako, pinagtaksilan niya ako!
Hindi mawala sa isipan ko ang paghahalikan nila ni Jules.
Hindi ko iyon matatanggap, dapat ako lang ang humahawak sakaniya, ako lang ang humahalaik sakaniya, pero bakit?!
Umangat ang tingin ko sa tiyuhin kong naka amerikana at sa likod niya ay ang dalawang tauhan niyang armado. Nandito sila sa bahay ko kahit na pinagbawlaan ko silang pumunta rito pero ngayon ay tila wala akong pakialam kahit makita sila ni Ethel. Matalim ko silang tinignann at tumayo.
Kailangan kong makausap ng mahinahon si Ethel. May parte pa rin saakin na hindi naniniwala sakaniya.
Aalis na sana ako nang biglang magsalita ang tiyuhin ko.
"Saan ka pupunta? Sa babaeng iyon?" Tumawa ito.
"Wala na siya, nakita ko silang umalis kanina kasama iyong lalaking ipinagpalit niya sa'yo."
Kaagad na uminit ang ulo ko sa narinig at kinwelyuhan siya.
"Ano?! Bakit hindi mo sila pinigilan?!" Sigaw ko kahit na alam komg wala naman silang pakialam kay Ethel.
Marahas ko siyang binitawan at dali-dali akong nagtungo sa bahay ni Ethel.
Walang ilaw, nakasarado ang gate pero inakyat ko iyon at pumasok sa bahay nila. Pinagsisipa ko ang pintuan na nakalock hanggang sa mabuksan ito. Binuksan ko ang ilaw at wala akong nakitang Ethel.
Hinalughog ko ang bahay nila pero wala na si Ethel. Mas lalomg sumikip ang dibdib ko pero napangungunahan rin ako ng galit lalo na at paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang mga sinabi ni Ethel kanina saakin.
Madiin ang kuyom ng kamao ko habang iniisip ngayon na magkasama sila ni Jules sa sasakyan at nagsasaya, naghahalikan at nagpapapakasawa sa isa't-isa.
"Ahh!" Sigaw ko at malakas na binato ang babasaging vase kahit saan.
Humahangos ang dibdib ko dahil sa galit nang makita ko ang isang papel na nasa maliit na mesa dito sa sala. Mabilis ko iyong kinuha.
Alam kong mababasa mo ito Elias. Maraming salamat sa mga ginawa mo para saakin. Hindi man maganda ang paghihiwalay natin pero gusto ko pa rin na mamuhay ka ng masaya kahit wala na ako. Pabayaan mo na ako at kalimutan ang mga ala-ala natin. Masaya ako sa desisyon kong ito at makakalimutan mo rin ako. Pinagsisisihan kong minahal kita at nasayang ang panahon kong kasama ka imbes na sa iba ko binigay ang panahon at atensyon ko kaya naman nagdesisyon na ako na iwan ka. Paalam Elias, kalimutan mo na ako.
Galit na nilukot ko ang papel. Kalokohan!
Gano'n nalang ba kadali ang lahat?!
Mapait akong natawa sa sarili ko na parang baliw pero labis labis ang galit na nararamdaman ko ngayon nang mapailing ako.
"Hindi ako papayag." Bulong ko at binato ang papel sa kung saan.
Matalim ang tingin ko at wala akong ibang maisip kung hindi ang pagmumukha ni Ethel.
Hidni ako papayag na maging masaya ka ng gano'n-gano'n lang Ethel. Hahanapin kita. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito. Sige lang magpakasaya ka ngayon pero hahanapin kita at gagantihan kita sa ginawa mong ito saakin.
"Hindi ba? Kung una pa lang ay naniwala ka na saakin at sumama, hindi ka na sana naghirap, hindi ka na sana nagtiis ng ganito para lang sa babaeng iyon! Maraming ibang babae ang naghihintay para sa'yo sa buhay na tunay na kinabibilangan mo." Biglang nagsalita ang tiyuhin ko sa likod na mukhang sinundan ako rito sa bahay nila Ethel.
Hinarap ko siya ng walang emosyon.
"Sasama na ako sainyo sa isang kondisyon."
Nakita ko ang malademonyong-ngiti ng aking tiyuhin na tila nagtagumpay na ito.
Matalim ang tingin ko sa sobrang galit habang nasa isipan ko ang mukha ni Ethel at Jules.
"Hanapin niyo si Terrio Galvez at iharap niyo siya saakin ngayong gabi. Buhay man o patay." Utos ko at umalis na.
Nagsi-alisan na rin ang mga tauhan ng tiyuhin ko habang ako ay naghanda upang umalis at sumama sakanila.
Kinuha ko ang mga mahahalagang gamit sa bahay at inipon ang mga gamit na nagpapaalala kay Ethel.
Hatinggabi na nang marinig ko ang mga ugong ng sasakyan hudyat na nakabalik na ang mga tauhan ng tiyuhin ko habang ako ay nasa bakuran ng bahay at nakatitig sa nasusunog na mga gamit kaugnay ng mga ala-ala namin ni Ethel.
Hindi kita hahayaang maging masaya Ethel. Hahanapin kita at pagbabayarin sa ginawa mong panloloko saakin. Ipapakita ko sa'yo ang karangyaang pinagpalit mo saakin pero papahirapan kita.
Pagkatapos natupok ng apoy ay siya ring tuluyang pag-iwan ko ng ala-ala at pinagsamahan namin ni Ethel na siyang binasura niya lang din.
Sumakay na ako sa kotse at sa tabi ko ay ang tiyuhin kong kay lapad ng ngiti. Walang emosyon ang mukha kong nakatingin sa labas ng bintana.
"Nakikita ko na ang dugong Navarro na nananalaytay sa'yo ngayon Helio."
Hindi ko pinansin ang sinabi ng tiyuhin ko. Wala akomg pakialam, magpapakayaman ako at hahanapin ko si Ethel, ipapamukha ko sakaniya ang buhay na pinagpalit niya saakin. Papahirapan ko siya, maghihihanti ako.
Kuyom ang kamao ko habang matalim ang tingin sa madilim na daan.
"Nandito na tayo."
Hindi nagtagal nang sabihin ng tiyuhin ko na nasa lugar na kami kumg nasaan naghihintay ang taong pinahanap ko.
Pumalad ako sa tiyuhin ko nang akmang lalabas ito ng sasakyan saka ito tiningnan. May pagtatakha ang mata niya pero walang emosyon ko siyang tiningnan.
"Gusto ko 'yung may bala." Malamig na sabi ko.
Kita ko ang pagkatigil niya nang bigla itong ngumisi na parang aso at binunot ang baril sa likod ng bewang niya na nakatago ng suot niyang magarang amerikana.
Malamig ang bakal ng baril na inabot niya saakin. Tinitigan ko ito at mahigpit ng hinawakan bago lumabas ng sasakyan.
Nasa madilim kaming parte at mukhang nasa likod kami ng isang abandonadong dating pamilihan.
Mas marami ngayon ang mga tauhan na naghihintay. Madilim at walang ilaw at tanging headlight lang ng isang kotse ang ilaw na nakatutok sa lalaking nakagapos at nakaluhod sa sahig.
Hindi ko inasahan na mahahanap talaga nila ang tatay ni Ethel.
Kinasa ko ang baril at tumayo sa harapan niya. Kita ko ang panginginig niya nang mag-angat ng tingin saakin.
Namilog ang mata nito pero malamig ko siyang tinitigan. Bumaba ang tingin nito sa hawak kong baril.
"Elias?!" Sigaw niya.
Ngumisi ako.
"Walanang iba." Sabi ko at yumukod sa harapan niya.
"Ano ang ibig sabihin nito?! Pakawlaan mo ako! Ikaw nanaman?! Alam mo?! Isa ka sa malas sa buhay namin ni Ethel! Kasama ng pakialamera mong Nanay noon! Ngayon tama ako! Masamang tao ka!" Nagpumiglas siya.
"Sinaktan mo si Ethel kanina?" Malamig na sabi ko.
Napatigil siya at nabalot ng takot ang mga mata niya.
Hindi siya nakasagot.
"Ano ang kasunduan natin?" Mahinang bulong ko sa mukha niya at pinagitnaan ang baril saamin. Kita ko ang pamumutla niya habang nakatitig sa hawak kong baril.
"H-Hindi ko sinasadya, sinubukan niya akong pigilang umalis-
Kinalabit ko ang gatilyo sa ulo niya at tumayo habang malamig ang titig na nakatingin sa dugong dumaloy sa sahig.
Ito ang huling regalo ko sa'yo, Ethel.
Nakarinig ako ng palakpak.
"Mahusay, Helio." Sabi ng tiyuhin ko.
"Tara na at naghihintay na ang Lolo mo sa iyong pagbabalik."
Sumakay na ako sa kotse at ang direksyon na patutunguhan namin ay ang buhay na siyang matagal nang naghihintay saakin, ang buhay na inilayo ng Nanay ko saakin, ang buhay na itinago ko kay Ethel, ang buhay na nilayuan ko kahit na naulila ako at pinagpalit ko para kay Ethel.
Maghintay ka Ethel, hahanapin kita, pagbabayarin mo ang panlolokong ginawa mo sakin.