"Annika? Buti naman naligaw ka dito. Inip na inip na ko rito, eh." Pumasok ito sa loob ng bahay kasama si Ysa. "Zyrus? Andito si Ysa." Agad naman itong sinalubong nung isa. "Dito ka muna. Ikukuha ko lang kayo ng juice," sabi ko kay Annika. "Huwag mo na kaming estimahin. Sanay na sanay na kaming mag-ina dito sa bahay na ‘to. Buti pa, dun na lang tayo mag-usap sa kitchen. Kids, dito lang kayo ha. Wag kayong lalabas." "Yes, Mommy!" sagot ni Ysa. “Opo, Tita Annika,” sabi naman ni Zyrus. Tita at Tito na kasi ang ipinatawag ni Chad kay Zyrus kina Annika, Klarence at Adam. PINAUPO ako ni Annika sa stool dito sa kusina, at siya na lang daw ang kukuha ng juice namin. Nakakahiya namang siya an