"Cielo, please order a bouquet of flower plus a cute stuff toy," utos ko sa sekretarya ko. Mula sa tingin nito sa computer niya ay tiningnan ako nito na para bang may tumubong isa pang ulo sa balikat ko. "What??" nagtatakang tanong ko dito. "Sino ka?" tanong nito. "Huh?" naguguluhang tanong ko. "Hindi ikaw ang boss ko. Hindi ikaw si Chad Samaniego. Saan mo dinala ang boss ko?" tanong nito, sabay dampot ng envelope opener sa tabi niya at saka iniumang sa akin. Agad akong napaatras. "Whoa! Whoa! Cielo! Naka-drugs ka ba!?" natatarantang tanong ko dito. Kinakapatid ko si Cielo at parang nakakabatang kapatid ko ito. Mula nung pagka-graduate nito sa College ay siya na ang pumalit sa sekretarya ko na nag-retire na.