"Chad..." "I promised our son, Pepper. Iiwan ko muna siya sa Pilipinas para puntahan ka rito at iuuwi pabalik sa atin. Naiintindihan mo ba? Zyrus needs you," may diin na sabi nito. Agad na tumulo ang mga luha ko pagkadinig ko sa pangalan ni Zyrus. Kung alam lang ng anak ko.... Kung nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon, alam kong mas nahihirapan si Zyrus. Susuko na ba ako sa sitwasyon na ito? Pero paano??? Napailing ako kay Chad. "I-It's impossible, Chad. May isang taon pa akong kontrata kay Mommy Zee para sa Sexy Secret Company. Ito na Chad, eh! Andito na ako. Konti na lang, at maipagmamalaki ko nang nagawa kong maiangat ang sarili ko. Hindi na ako si Pepper na tindera lang ng ulam. Ako na si Pepper, isang international designer!