Walang nangyaring get-together kinabukasan. O kung meron man, hindi na siguro kami isinama ni Chad sa bahay ni Adam. Hindi na kasi ito umuwi nung Biyernes ng gabi nang umalis na lang ito basta. Nahiya naman akong i-text siya. Sino ba naman ako para tanungin siya kung nasaan na siya? Nakikitira lang ako sa kanya bilang Nanay ng anak niya. Mula rin noon hindi ko napagkikita si Chad dito sa bahay niya. Maaga itong umaalis at gabi na umuuwi. Or kung umuwi man nang maaga ay nagkukulong sa opisina niya rito sa bahay. Annika calling.... "Annika?" ["Pepper? Anong nangyayari? Bakit hindi kayo kasama ni Chad last Saturday?"] "Ah. Ano kasi... h-hindi kasi siya dito umuwi nung Friday ng gabi kaya h-hindi kami nakasama..." ["Ha? Bakit? Nag-away ba kayo?"] "Ha