"Isukat mo na ito, Pepper." "Chad, sabi ko naman sayo... Si Zyrus lang ang--" "Pepper, are we going to argue with this again? Paulit-ulit na lang tayo," sabi nito, habang nakalahad sa harap ko ang ilang piraso ng damit na kinuha niya sa rack dito sa mall. "Hindi ko naman kasi masusuot ang mga iyan. Wala naman akong pupuntahan. Matatambak lang iyan sa bahay," katwiran ko. "Who told you?" sagot nito. Natigilan ako para i-digest yung sinabi niya. Napansin ko namang habang nagtatalo kami ay nakatunganga iyung mga sales lady sa paligid namin ni Chad, na para bang ngayon lang nakakita ng guwapo. "Tsk! Basta... isukat mo na lang," sabi nito, at saka ipinagpilitan sa kamay ko yung mga damit. Napabuntonghininga na lang ako, at s