"Bangon, hindi baon. Baliw!" sagot ko rito. Tumawa na naman ito. "Kanina ka pa tawa nang tawa. Nababaliw ka na talaga?" biro ko dito. "Di ba nga? Nababaliw ako sa iyo?" sagot nito. Inirapan ko ito. "Hmp! Ewan ko sa iyo. Bumaba ka na nga dun bago pa umakyat dito ang Mama mo," utos ko kay Chad.. "Sabay tayong bababa. Sabay nga tayong umakyat kanina sa rurok, eh. Masarap kapag laging sabay." May laman na sabi nito kaya inikutan ko ito ng mata. "Pero bago tayo bumaba...." In-stretch niya ang isang braso niya patungo sa side table nang hindi pinuputol ang pagkakahugpong ng mga katawan namin. May kinuha itong papel na nakaipit sa phone niya at saka iniabot sa akin. "Read it. I want you to read it in