PAGKABABA ko sa tawag ko kay Zyrus ay agad akong nagpasya. Kailangan kong sumubok. Wala namang mawawala. Kung gusto ko talagang makasama na si Zyrus ay kailangan ko nang gumawa ng aksyon. Isinara ko muna ang laptop ko at saka itinago ang mga sketch designs sa drawer ko. Sinusian ko iyun para siguraduhing walang makikialam. Nagmamadaling lumabas na ako ng kuwarto ko at binaybay ang hallway papunta sa opisina ni Mommy Zee, ang may-ari ng kumpanya. Makikiusap ako kay Mommy Zee. Baka pwede akong mag-file kahit leave na lang muna kung hindi niya ako papayagang mag-resign. Kahit dalawang buwan lang. O isang buwan. Malaking bagay na rin iyong tatlumpung araw para makasama ko si Zyrus. Ang mahalaga ay magkaroon ako ng panahon sa anak ko. Kailangang makausap ko na siya b