Lala's Point of View Napagkasunduan namin na sa kweba na muna tumuloy. Doon muna kami sa tahanan ng mga mababait na Celestial Beast upang magtago mula sa mga ligaw na kaluluwa na hindi pa rin namin alam kung anong pakay nila sa mga bata. Malayo ang lugar na 'yon mula sa pinanggalingan namin ngunit wala ng ibang paraan kundi ang maglakad dahil napakadelikado kung gagamit kami ng kapangyarihan lalo pa at pare-pareho kami ng espekulasyon na nararamdaman ng mga kaluluwa ang mga kapangyarihan na nasa paligid nila. Sino ba naman ang hindi iisipin na ganoon nga kung sa tuwing may malakas na kapangyarihan na nagagamit, sumusulpot na lamang sila nang bigla-bigla? Mahirap na, baka masundan nila kami at tuluyang mapahamak ang mga bata sa kanila. Mukha pa naman ding hindi sila gaya ng mga tipikal n