Habang naglalakad, hindi nakaligtas sa paningin ni Erin ang panaka-nakang paghikab ni Lala. Kita na ang pagod sa kaniyang mukha dahil sa mahaba nilang paglalakbay na hindi naman talaga siya nakatulog nang maayos. "Mukhang antok na antok ka na, a," usal ni Erin nang hindi na makatiis na magkomento habang nakasulyap dito. Nabagyang nagtama ang kanilang mga mata nang lumingon si Lala. "Oo nga e, pero ang aga pa para matulog. Mataas pa ang araw sa labas, hindi ba?" sagot nito medyo nagulat nang magsalita ang Merman habang tahimik silang naglalakad. "Wala namang kaso kung magpapahinga muna kayo. Napakalayo ng inyong nilakbay at natural lamang na makadama ka ngayon ng kapaguran. Katawan mo na mismo ang nagmamakaawa na bigyan mo ito ng sapat na lakas," ani Erin upang kumbinsihin ito. "Tama